Malaikah's PoV KINAUMAGAHAN nasa loob kami ng kuwarto ko ni Uncle Trex dahil kagabi pinatulog ito ni Tita Bing sa kabilang kuwarto kasama ni Tito Alfredo, ang asawa nito. Kakatapos lamang nitong maligo at may hawak na blue na towel habang kinukuskos nito ang basang buhok. Kasalukuyan naman akong naghahanap ng damit ko sa durabox ko. Binigyan ko kanina si Uncle Trex ng cycling short ko na may maluwang na garter para pansamantalang gamitin nito dahil marumi na ang damit na suot nito. Mabuti na lang may naiwan pa sa akin na damit ni Angelo isang ternong jersey na yellow na at mukha ni Lebron ang tatak. Ibiinigay ko iyon dito kay Uncle Trex para may maisuot ito pang-uwi namin mamaya sa Manila mamaya. P'wede naman sana itong umuwi kanila kaso hindi ko na siya pinilit dahil ang gusto nito ma

