Dinilat ko ang mga mata ko, ang bigat ng talukam ko na parang gusto ko pang matulog uli, tapos ang lamig ng pakiramdam ko, babangon na sana ako ng sa kalahatian pa lang nakaramdam na ako ng hilo, muli akong bumalik sa pagkakahiga, ang sakit ng ulo ko, lalo ko pang yinakap ang kumot sa sobrang lamig. Gustong kong tumayo kaso ang bigat ng pakiramdam ko, "ma!" Kahit na hindi ko kayang magsalita, tinawag ko si mama, wala pang isang minuto nang pumasok si mama sa silid ko, mukhang baba na ito sa shop kasi may suot na siyang apron. "Anong nangyari sayo anak?" Tanong niya sa akin, "bakit ang tamlay ng mukha mo?" Hindi na ako nakasagot sa tanong niya, dinampi niya ang kamay niya sa noo at leeg ko, sa mukha pa lang niya alam ko na ang sagot, "jusko bata ka ang init mo." "Ano bang ginawa mo kaha