"Kumusta ang biyahe apo?" Nakangiti akong sinalubong ni Lola pagkababa ko pa lang ng kotse. Gumanti ako ng yakap sa kaniya. Namiss ko ng sobra si Lola. "Maayos na maayos." sagot kong nakangiti. "Pretty as always. So, will you going to manage the company o magtuturo ka sa school?" tanong ni Lola. Siyempre, magtuturo ako. Paano ko makukuha si Brick kung makukulong ako sa opisina ni Lola? "Magtuturo muna ako Lola. Siguro, pagkatapos ng klase, pwede akong dumeretso sa office para sa training ko." nakangiti kong sagot habang naglalakad papasok sa bahay. Walang masyadong nagbago. Mas lalo ngang gumanda ngayon, dahil mas dumami ang mga bulaklak sa garden. "Mabuti kung ganoon. Pero hindi ka ba mahihirapan? Nasa school na iyon si Brick." sabi ni Mama. Nalaman kasi nilang sa school na pagmamay