Kabanata 1
HABANG pinagmamasdan ni Angel ang bagong kasal na si Steffan at Veronica ay napaluha siya. Samo’t-sari ang kanyang naiisip. Masaya siya para sa dalawa dahil napalapit na ang kanyang loob sa mga ito. Sa kabilang banda ay malungkot siya dahil pangarap niya rin na maikasal. Kaya siguro naiisip niya minsan na hindi nagyaya si Douglas sa kanya ay dahil iyon sa kanyang karamdaman.
Araw-araw ay labis siyang naghihirap. May pagkakataong muntikan na siyang mahimatay sa kawalan ng hininga. Tanggap na ni Angel na mamatay na siya. At hindi na siya magiging parte pa sa buhay ni Douglas at kanilang mga anak.
Araw-araw ay lage siyang pinapaalahanan ng kanyang sakit na hindi siya magtatagal sa mundong ito.
Naipikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim dahil sumikip na naman ang kanyang dibdib.
“Are you, okay?” tanong sa kanya ni Douglas. Mabilis siya nitong hinawakan sa magkabilang braso at inilalaan siyang umupo. “Huwag kang matakot… just take a deep breath, Angel.”
Sinunod niya ang lalaki. Naging banayad at malalim ang kanyang paghinga at napangiwi siya sa sakit. Pati ba naman kanyang pagkuha ng hangin ay nasasaktan na siya? Parang may tumutusok na karayom sa kanyang puso sa tuwing humihinga si Angel.
“Gusto mo bang umuwi na tayo? O dalhin na kita sa ospital?”
“Huwag na, Douglas. Kaya ko na ang aking sarili at isa pa kasal ito ni Steffan at Veronica. Kailangang nandito ako hanggang reception.”
“For pete’s sake, iyon pa rin ang iniisip mo? Paano kung himatayin ka ngayon o sa reception?”
“Shhh… huwag mo na akong isipin, okay? Maayos lang ang aking lagay at nanunumbalik na rin ang aking lakas.”
“Are you sure?” seryoso siyang tiningnan ni Douglas.
“Oo naman…” Ngumiti si Angel at siya pa ang naunang tumayo sa lalaki dahil lalabas na sila ng simbahan.
Hinintay na muna nilang makalabas ang mga tao at sumunod silang dalawa ni Douglas. Mabuti na lamang at na kay Homer ang dalawang bata.
“Alam mo Douglas, masaya ako para sa kanila Steffan at Veronica. Akalain mo ‘yon nagkakilala sila sa ospital noong bumisita si Veronica sa akin? At si Steffan naman ay matagal ko ng kaibigan.”
“I’m glad dahil sila nga ang nagkatuluyan kahit na something arranged marriage ang labas.”
“Sabagay, tama ka roon. Kung baka sakali bang lalaki na sina Cedrix at Stanley ay isa din ba sa kanila ang ia-arranged marriage mo?”
“For me? Hindi ko iyon gagawin. But siyempre kailangan ko rin ng iyong opinion.”
“Pero wala na ako sa mga panahong malaki na ang ating mga anak, Douglas.” Kumuha ng malalim na buntong hininga si Angel.
“Huwag mo iyang sabihin, Angel. Huwag kang panghinaan ng loob dahil marami kaming umaasa na gagaling ka at sana may mabuting loob na handang i-donate ang kanyang puso.
“Alam mo naman Douglas na mahirap, e. Alam natin lahat na hindi madaling makakuha ng donor. At alam nating lahat na sooner or later ay kukunin na ako ng Diyos.”
“Paano mo nasisikmurang sabihin sa akin iyan, Angel? Kahit kailan I never losing my hope for you. Bakit sa araw-araw na nag-uusap tayo ay parati mo nalang bukang bibig ang iyong kamatayan?”
“Because it’s the reality, Douglas. At hindi na natin mababago ito.”
“Mali ang pagtingin mo sa reyalidad, Angel. You are looking on one side reality.”
“At ganoon ka rin naman hindi ba? Tinitingnan mo ang reyalidad na puwede pa akong gumaling. Ang sa akin lang naman ay maging handa kayo.”
“I’m not ready,” matigas na wika ni Douglas.
Napalunok ng laway si Angel nang marinig iyon mula sa lalaki. Ito ang pinakamahirap sa kanilang sitwasyon. Sobrang sakit na maiwan ang mga mahal mo sa buhay kung hindi pa handa ang mga itong mawala ang isang tao.
“Ngunit kailangan mong maging handa, Douglas. Sina Cedrix at Stanley ay araw-araw kong hinahanda kapag dumating man ang araw na mawawala ako rito. Higit kanino man ay sa’yo sila dapat kukuha ng lakas. Higit kanino man ay nandiyan ka sa kanilang tabi.”
“You don’t know, Angel. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin ang lahat ng ito. Araw-araw ay nahihirapan ako dahil nahihirapan ka saiyong katawan. Araw-araw kong sinisisi aking sarili dahil sa sakit mong iyan. Doktor ako ngunit I couldn’t help myself but to cry in one corner dahil wala akong magawa para tulungan. ka.”
Unti-unting nakikita ni Angel ang namumuong mga luha sa mga mata ni Douglas. Sunod-sunod ang paglunok nito ng laway. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ayaw niyang umiyak dahil mas lalo lang itong magpapasama sa kanyang kalusugan.
“Ta-tayo na… baka magtaka sila dahil wala pa tayo sa reception.” Pag-iiba niya ng usapan. Mas lalo lang siyang masasaktan at mas lalong sisisihin ni Douglas ang sarili nito.
“Mabuti pa nga.” Pagkasabi na iyon ni Douglas ay tuluyan nang tumulo ang mga luha nito. Namula ang kanyang mukha na siyang dahilan ng pag-aalala ni Angel. Niyakap niya ang lalaki. At doon bumigay ito. Humahagulhol na ng iyak si Douglas sa kanyang balikat.
Hindi na rin nakayanan ni Angel at bumigay na rin siya. Sobrang sakit na makitang umiiyak ang lalaking mahal mo at mahal ka.
“Pe-pero alam mo, Angel. Minsan naiisip ko na tanggapin ang lahat ng ito. Naiisip ko na sumuko nalang dahil pakiramdam ko ay ako lang ang lumalaban sa laro nating ito. Pakiramdam ko ay mga audience lang ang mga taong nasa ating paligid. Nararamdaman ko ang kanilang supurta ngunit hindi nila magawang tulungan ako para pasanin ang lahat ng problema. Tama ka, e. Kahit ipagpapatuloy ko pa ito ay matatalo at matatalo pa rin ako.”
“Douglas.” Humigpit ang pagkakayakap ni Angel sa lalaki. Sobrang sakit na marinig iyon mula kay Douglas. “I’m sorry if I am the very reason of your agony. I’m sorry if I am not playing with you. I’m just scared to lose a game na alam naman talaga natin kung saan papatungo ang lahat… to my death.”
Naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap ni Douglas sa kanya. Ramdam na ramdam ni Angel ang lungkot ng lalaking pinakamamahal niya.
“Mag-iiyakan nalang ba tayo rito?” kumiwala si Angel sa pagkakayakap at pinilit na tumawa. “Kung gusto mo pa akong mabuhay ng mas matagal ay huwag mo akong papaiyakin, Douglas,” natatawang wika niya sa lalaki.
“Yeah,” napabuntong hininga ito. “we better leave dahil mukhang hinahanap na nila tayo ngayon.”
“Tara?”
“Let’s go.”
Magkahawak kamay silang nagtungo sa parking lot ng simbahan. Douglas opened the car door for her at ito na rin ang nagsara. Nangmamadali na rin itong sumakay at ilang saglit pa’y nakarating na sila. All the guests were about to eat. Mabuti nalang at nakaabot sila sa prayer.
“What do you want to eat?” tanong ni Douglas sa kanya.
“Just vegetables. Ayokong kumain ng mga karne this time. Parang nagiging masama na ang response ng aking katawan nangangasim ako at humahapdi tuwing umaga,” aniya.
“Did you take your medicine kanina?”
“You mean the pantoprazole? Oo, iininom ko iyon. Pero gulay lang talaga ang gusto kong kainin.”
“Si-sige.”
Iginiya na muna siya ni Douglas paupo katabi sina Cedrix at Stanley. Naiwan ang mga ito sa mesa dahil abala pa si Homer sa pakikipag-usap.
“Ano ang gusto ninyo?” tanong ni Douglas sa dalawang bata.
“Gusto ko po ng fried chicken, Daddy,” sagot ni Cedrix.
“I want fried chicken too,” si Stanley.
“Sige, bantayan niyo muna ang Mama ninyo, okay?”
“Yes, Daddy.”
Sabay ang pagsagot ng dalawa. Nang tumalikod na si Douglas ay lumipat ng upuan si Stanley. Nasa kabila na ito.
“You need to be in between, Mama para hindi ka muhulog sa inuupuan mo.”
“Ha? Kaya ko pa naman umupo, e.” Ginulo ni Angel ang buhok ni Stanley at kinurot ito.
“MA, si Daddy na mismo ang nagsabi na bantayan ka. Hindi namin iyon magagawa kung magkatabi kami ni Stanley ng upo,” ani Cedrix.”
“Ay sos… kayo talaga,” ngumiti siya sa mga anak. “Puwede ko ba kayong mayakap?”
“Yes!” muling sagot ng dalawa. Bumaba ang mga ito sa upuan ay yinakap siya ng mga anak.
“We will always by your side, Mom. We’ll take good care of you,” ani Stanley.
“Alagaan ninyo ang Daddy ninyo kapag wala na ako, ha.”
“Hindi na po ba makikiusapan si Papa Jesus, Mama? Makikiusap pa po ako sa kanya na bigyan ka pa ng maraming buhay.” Tumingala si Cedrix kay Angel. Sobrang inosenti ng mukha mga mata nito. Mas lalo pang dinudurog ang puso ni Angel dahil sa kanyang mga anak.
“I will ask Papa Jesus too, Mama.”
“Maraming salamat sainyo.” Ipinikit ni Angel ang kanyang mga mata at pinigilan ang kanyang sarili na muli na naman siyang maiiyak. Paano niya ba iiwanan ang dalawang inosenting mga batang ito? Kailangan pa ni Cedrix at ni Stanley ng inang mag-aaruga ngunit hindi na iyon magagawa ni Angel. Kaya mas mabuting isakatuparan na niya ang kanyang plano.
“Did I missed something?” bumalik si Douglas at may dala itong pagkain. Ang iba ay hawak-hawak ni Eskel.
“Wala naman… gusto ko lang mayakap ang dalawang binata mo.”
“Paano naman ako? Wala ba akong yakap galing saiyo?” Douglas pouted his lips.
“Ang corny mo, Kuya Douglas… ang daming tao,” natatawang wika ni Eskel.
“Doon ka na. Iwan mo na ang pagkain,” aniya sa kapatid.
“Halika na nga,” hinawakan ni Angel ang ang leeg ng lalaki at niyakap ito. Muli ring yumakap sa kanya si Cedrix at Stanley.
“What a loving and happy family,” ani Eskel at marahan itong tumawa.