Chapter 73

1441 Words

GOOD for one week ang iginayak kong mga damit namin ni Reagan. Pagkagaling niya sa amin ay sumama na ako sa kanya paluwas ng Maynila para mag-gayak ng mga dadalhin namin sa bakasyon. Tuwang-tuwa si Manang Tess nang makita akong kasama ni Reagan nang dumating kami sa mansyon. Anito ay na-miss niya ang may ipinagluluto sa bahay. Bilang patunay ay kaagad niya kaming ipinagluto ng masarap na hapunan. "Natutuwa talaga ako at bumalik ka na, hija. Alam mo ay palaging malungkot si senyorito. Malalim lagi ang iniisip niya simula nang umalis ka. Minsan pa ngang lasing siya ay umiiyak siya habang kausap ako. Sabi pa niya ay napaka-gago daw niya dahil nagpadala siya sa tukso kaya nilayasan daw tuloy siya ng babaeng mahal na mahal niya," sabi ni Manang Tess na ikinagulat ko. Sino ba naman kasi ang mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD