REAGAN "HANGGANG kailan mo balak magmukmok dito, Reagan? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa 'yo. Why don't you just follow your wife at ayusin mo ang dapat ayusin?" Mula sa pagkakasalampak sa sahig habang nasa isang kamay ko ang pang-limang bote ng beer, tiningala ko si uncle Nestor. Bahagya ko lang siyang nababanaag dahil pakiramdam ko ay nakapikit na halos ang mga mata kong parang unti-unting iginugupo ng epekto ng alak. Kung sabagay ay isang araw na yata akong walang tulog. Walang kain at tanging alak lang ang kasama. Miss na miss ko na si Luna. Bawat sulok ng bahay namin ay siya ang nakikita ko. "What for, Uncle? Hinamon na ako ng hiwalayan ni Luna." Punyal na tumarak sa dibdib ko ang katumbas ng mga salitang aking sinabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin rumerehistro sa utak ko na

