KINALADKAD ako ni Jake at naramdaman ko ang pag-agos ng mainit-init na likido sa binti ko. Kinabahan ako nang bigla kong maalala ang ipinabubuntis ko. Hindi pwedeng mawala sa akin ang anak ko. Matagal namin itong hinintay ni Reagan at hindi maaaring mawala na lamang siya kaagad. "Jake! Oh, God! Ang anak ko!!" hysterical kong sabi. Kahit madilim ay alam kong dinudugo ako at maaring mawala ang anak ko anumang oras. Huminto ito at halatang natigilan sa sinabi ko. "Anak? Anong anak ang sinasabi mo?!" bulyaw nito saka nagpatuloy sa pagkaladkad sa akin palabas ng tunnel. Wala itong pakialam kahit halos madapa na ako sa tindi ng paghila niya pero patuloy pa rin ito. "Buntis ako!! Buntis ako, Jake, at sa tingin ko ay dinudugo ako ngayon hayup ka!" Mabilis ang naging pagkilos nito. Tahimik ito

