LUNA "BABE, halika na. Tayo na lang ang nandito. Nakaalis na silang lahat." Mula sa kinauupuang puntod ni Agatha ay hinawakan ko si Reagan sa balikat. Mukhang wala pa kasing balak umalis ito gayung malapit ng umulan. Napaka-itim ng langit. Nagbabadya ang masungit na panahon. Tila nakikisimpatya sa pighati nang mga naiwan ni Agatha sa pangunguna ng ama nito. Mula kasi sa pwesto namin kanina na malayo sa karamihan, tanaw na tanaw namin kung paano ito nanangis sa pagkawala ng kaisa-isang anak. Labis-labis ang ginawa nitong pag-iyak at sandali pang nanikip ang dibdib sa kalagitnaa ng seremonya. Ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataong lumapit sa puntod kung kailan nakatabon na ng lupa ang kabaong ni Agatha. Kanina kasi ay hindi na kami sumubok na lumapit. Ayoko ng magkagulo muli katulad n

