TALA Pawnshop sa Sorsogon. Tanging iyon lang ang nakuha kong impormasyon kay Mang Lito kung saan ko matatagpuan si Luna. Tinanggap diumano nito ang alok ni Jake na mag-manage doon ng isa pang branch ng Tala dahil ginusto ni Luna ang lumayo sa pag-aakalang ako ang nag-file ng annulment case. Agaran ang ginawa kong leave sa opisina. Mabuti na lang at na-dismissed na ang kasong kinaharap ng kompanya at na-resolba na kaya okay lang kahit mawala ako ng matagal-tagal. Saka ko na haharapin at kokomptontahin si Agatha dahil makakapaghintay naman iyon. Ang kagustuhan kong makita si Luna at makapagpaliwanag dito ay hindi. "Kayo lang ho, Sir? Nasaan ho si Ma'am Luna?" Excited na tanong ng batang si Agnes habang kinukuha ang iba kong dala papasok ng bahay. Malungkot akong napangiti. Nangako nga pa

