LUNA MULA sa pagkakahiga ko sa hubad pa ring katawan ni Reagan ay napabalikwas ako ng bangon. Nagulat ito sabay pigil sa baywang ko para hindi ako ganap na makaalis sa ibabaw ng katawan niya. "Hey! What's the rush?" malambing nitong anas saka isinubsob ang mukha sa leeg ko at kumagat-kagat pa roon. Talagang ayaw akong paalisin. "We have to go. Naghihintay sila sa atin kaya huwag ka ng clingy diyan, Mr. De Alba. Let's go." Muli akong bumangon. Hinila ko ang isa niyang braso pero mukhang wala talaga itong balak na umalis sa kama. Bagkus ay pumikit pa ito at itinakip pa ang isang braso sa mga mata. "Babe, let's go. It's your birthday and everyone is waiting for you. Come on," malambing kong sabi sa pag-asang kikilos na ito para bumangon. Dumilat naman ito pero nakatitig lang siya sa akin

