REAGAN SOBRANG guilty ang nararamdaman ko nang gabing iyon. 'Yung tipong kaaayos pa lang naming dalawa ni Luna pero heto't kahit hindi ito magsalita ay alam kong ibayong sakit na naman ang naidulot ko sa kanya. Masakit sa akin ito. Ang kaalamang nasasaktan ko siya ay doble ang sakit para sa akin. Dalawang meetings pa naman ang kinansela ko ngayong hapon para maaga akong makaalis ng opisina. Excited na kasi akong makita ang asawa ko ngayong importanteng araw na ito para sa kanya, pero hindi ko iyon nagawa nang tawagan ako ng kinuha kong helper ni Agatha. Isinugod daw ito sa ospital dahil dinugo ito habang nag-yo-yoga. Galit na galit ako nang malaman kong nag-yoga na naman ito samantalang kabilin-bilinan ng OB nito na iwasan munang gawin ang mga dati nitong routine pero hindi pa rin nito

