REAGAN "DAMN! Anong klaseng security ang mayroon dito?! Isang tambak ang mga guards na nasa entrance mayroon pa sa parking lot pero walang nakakita isa man sa inyo sa asawa ko?! E, kung idemanda ko kayong lahat?!" Kitang-kita ang sindak sa mga mata nang bawat taong kaharap ko nang mga sandaling iyon. Walang-kibo ang mga ito kaya mas lalo akong kinakain ng galit. Ni isa ay walang nakakita sa pangyayari. Walang saksi. "Hijo, kumalma ka. Hindi makakatulong iyang init ng ulo mo. At mas lalong hindi natin makikita si Luna kapag ganyan," pang-a-alo ni uncle Nestor sa akin. Nangunot ang noo ko. How could he say those words? Alam na niya kung gaano na ako nag-aalala? "What did you say, Uncle?! Kumalma ako?! Damn it! Limang oras na ang nakalipas pagkatapos inihatid rito ni Mang Jojo si Luna per

