Chapter 82

1811 Words

MATAGAL kaming nagtitigan. Gustung-gusto ko na siyang takbuhin at haplusin ang namayat niyang mukha pero ayoko ng magpadala sa bugso ng damdamin. Pinili kong gayahin ang pananahimik niya pero nararamdaman kong anumang oras ay malalaglag na ang mga luha ko kaya pinili kong talikuran na siya at ituloy ang naudlot kong pag-uwi. Naka-tatlong hakbang na ako nang sa wakas ay marinig kong muli ang kanyang tinig, na kahit yata sampung taon kong hindi marinig ay hindi ko pa rin makakalimutan. "Miss na miss na kita." Tuluyang nalaglag ang mga luha ko. Huminto ako pero hindi ako nag-abalang lumingon. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil bakit ba ako ganito? Dapat ay galit ang nararamdaman ko. Ilang beses na niya akong sinaktan pero heto't parang gusto ko na namang kalimutan na lamang iyon lahat. T

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD