bc

Her Resignation

book_age18+
24.6K
FOLLOW
192.8K
READ
escape while being pregnant
arranged marriage
brave
self-improved
drama
office/work place
enimies to lovers
rejected
weak to strong
surrender
like
intro-logo
Blurb

#TheDesperateWife - YUGTO CONTEST #xxxx

Si Yvette Gonzalo na yata ang pinakamasyang babae nang ligawan siya ni Thor Hernandez. Pero hindi pala. Akala niya totoo ang lahat ng pinakita nito sa kan’ya. Kahinaan niya pala ang ginamit nito para tuluyan na siyang mapaalis sa bahay ng mga Hernandez.

Nagtagumpay si Thor na paalisin siya. Pero hindi niya akalaing magiging daan pala iyon para sila'y ipagkasundo ng magulang ng binata. Nalaman ng mga ito ang naging lihim na relasyon nilang dalawa. Kaya, lalong nadagdagan ang galit nito sa kan’ya.

Ikinasal nga sila pero sa papel lang. He hates her that much. Hindi siya nito tinuturing na asawa kailanman.

Lahat ginawa niya para maging maayos ang pagsasama nila, alang-alang sa mga taong kumopkop sa kan’ya.

Pero hanggang saan kayang tiisin ni Yvette ang pakitungo ng asawa? Hanggang saan rin siya kayang dalhin ng lihim niyang pagtatangi para dito?

Bibitiw ba siya? O, patuloy na aasang magiging maayos ang pagsasama nila?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Anak, gumising ka na, at nand'yan na ang mag-aayos sa'yo! Ikaw talaga! Bakit mo naman kinalimutan ang araw ng kasal mo?" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na boses ni Yaya Esang. Napamura tuloy ako pero sa isipan ko lang naman. Bakit ko nga ba kinalimutan na ngayon ang kasal ko sa lalaking hindi naman ako mahal? Ah, kakasabi ko lang, 'di nga kasi ako mahal kaya siguro gano'n. Sabagay, pilit lang naman kasi. Sa lahat ng ikakasal, ako yata ang hindi excited. Though, siya talaga ang pangarap ko na mapangasawa. Pangarap kong ikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. Tapos maglalakad ako sa pulang carpet at suot ang puting trahe de boda habang masuyo siyang naghihintay sa akin. At pagkatapos niyon, mangangako kami sa isa't isa na magsasama sa hirap at ginhawa, maging sa pagtanda. Napangiwi ako bigla. Tinampal ko rin aking noo. Masarap talaga mangarap. Pero sana, may kahihinatnan ang pagsasama namin. One sided love lang, pero ayos na sa akin. Ang mahalaga, siya ang mapapangasawa ko. Nakakalungkot lang, dahil hindi nga dream wedding ko ang magaganap. Kaya, hindi ako excited. Pangarap ko pa naman magkaroon ng buong pamilya sa piling ni Thor. Pero, mukhang suntok sa buwan dahil galit na galit siya sa akin nang ipagkasundo kami ng magulang niya. Siya naman ang may kasalanan kung bakit nauwi sa kasalan. "Anong oras na po ba, Yaya?" Papungas-pungas pa rin ako na humarap kay Yaya, na nakapameywang na pala. Sa totoo lang, hindi naman ako ang alaga ni Yaya, ang mapapangasawa ko. Si Yaya Esang na ang naging pangatlong ina ko, maliban sa totoo kong Nanay at kay Mama Thea. Si Mama Thea naman ang ina ng mapapangasawa ko. "Haroy, jusko! Alas-siete na! Pumasok ka na sa banyo, at ihahanda ko ang isusuot mo," kunwa'y galit na sambit sa akin ni Yaya. "Sige po," magalang na sagot ko sa kan'ya. Naglakad ako papuntang closet at humigit ng tuwalya na gagamitin ko, pagkuwa'y pumasok na rin ng banyo.  Hindi ko maiwasang titigan ang mukha sa salamin. Bakit kaya hindi ako magustuhan ni Thor? Hindi naman ako pangit. May kurba naman ang katawan ko. Hindi nga lang ako kasing elegante ng mga naging girlfriend niya. Hindi rin kasi ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. In short, simpleng babae lang ako. Minsan nga napapagkamalan ako na katulong ng mga naging girlfriend ni Thor. Marahil sa pananamit ko, kaya gano’n. Pero kung hindi naman mukha ko ang problema, baka, sa pagiging sampid ko pa rin sa bahay na ito ang dahilan. Well, may bago pa ba? Diba, 'yon nga ang dahilan kaya niya ako sinaktan? Kaya niya ako pina-ibig ng sobra tapos iniwan. 'Yon naman talaga ang pinaka-ugat ng galit niya sa akin.  Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang katok ni Yaya.  "Anak, anong kulay ba ng underwear ang susuotin mo?" Natawa ako sa tanong ni Yaya. "Kahit anong kulay na lang po! Basta may maisuot!" malakas na sigaw ko para marinig niya. "Puti na lang, anak! Tutal 'yon naman ang kulay ng damit mo," "Kayo po ang bahala!" Napahagikhik ako pagkatapos kong sabihin iyon. Kasi naman, pati 'yon itatanong. Hindi naman kita kung sakali. Humarap ako sa dutsa kapagkuwan para maligo na. Pagkatapos ko ay lumabas akong nakatuwalya na. Lumapit sa akin si Yaya at inabot ang bagong roba.  "Magroba ka pagkatapos mong magpunas ng katawan. Lilipat lang ako sa kuwarto ni Thor para tanungin kung may kailangan pa sa akin." Pagkalapag ni Yaya ng roba sa kama ay tumalikod na siya. "Sige ho." Ipinagpatuloy ko ang pagpunas ng buhok pagkaalis niya. Nagsuot na rin ako ng underwear at bra saka isinuot ang roba. Alas-diyes naman ang kasal ko kaya hindi ko kailangang magmadali. Isa pa, dito gaganapin ang kasal namin, kaya bakit ako magkukumahog, gayong dito lang pala? Diba? Nagpakawala ako ng buntong-hininga kapagkuwan. Pasado alas-otso na ng ayusan ako ng make-up artist, na binayaran ni Mama Thea. Saktong alas-nuebe naman kaming natapos. Suot ko na noon ang off-shoulder kong gown nang maupo ako sa kama. Napaka-simple lang din ng tabas ng aking damit. Hanggang sakong ang haba niyon. Pero ang sabi ng babae, lumutang ang aking ganda. Talaga? Sana mai-inlove sa akin si Thor.  Pinigil ako ni Yaya nang magtangka akong lumabas. Hindi nila ako pinapababa dahil bawal pa daw. Bakit? Dahil hindi ako puwedeng mahiga. Sumandal na lang ako sa headrest ng kama at pumikit. Nagising na lang ako sa mahihinang yugyog ni Yaya. "Ikaw talagang bata ka. Tingnan mo ang buhok mo sa likod gusot na. Lumapit ka dine, at aayusin ko."  Tumingin ako sa orasan habang inaayos ni Yaya ang aking buhok. Sampung minuto na lang bago sumapit ang alas-diyes.  "Marami po bang bisita, Yaya?" Nakaramdam ako ng kaunting kaba. Siyempre, unang beses ko na ikakasal, eh. Malungkot na tumingin siya sa akin. "Exclusive lang sa mga Tyler at Hernandez, anak. Alam mo naman kung bakit, diba?" Hindi ko maiwasang malungkot ng mga sandaling iyon. Kahit nga ang best friend ko sa unibersidad hindi imbitado dahil ayaw ni Thor. Ayaw niyang ipaalam sa mga kaklase ko, na ako ang mapapangasawa niya, o ng kahit na sinong taga unibersidad.  "Ready ka na ba, hija?" Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Mama Thea.  "Opo," ani ko sa mahinang tinig. Hinagod ako ng tingin ng ginang pagkuwa'y ngumiti ng makalapit. "Ang ganda-ganda mo talaga, Yvette. Manang-mana ka kay Elizabeth, alam mo ba 'yon? Kung buhay lang siya, paniguradong matutuwa iyon dahil ikakasal ka na, at sa anak ko pa. Bagay din kayo ng anak ko. Masuwerte si Thor, kasi ikaw ang mapapangasawa niya. Panatag nga ako dahil ikaw ang makakasama niya habang buhay. Napakabait mong bata." Pinunasan muna niya ang luha bago tumingin ulit sa akin. "I'm so happy to welcome you to our family," pagkasabi ng ginang ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko maiwasang maalala ang ina ko. Ang tinutukoy ng ginang kanina na Elizabeth ay ang totoo kong ina, na limang taon ng namayapa. Ilang sandali pa ay lumabas na kaming tatlo. Ako, si Mama Thea at Yaya. Pero nagpatiuna si Mama Thea at Yaya. Mag-isang bababa kasi ako sa hagdan, ayon kay Tabitha. Si Tabitha ang nag-iisang babae anak ng mag-asawang Hernandez. Napahawak ako sa dibdib nang matanaw ko ang mga bisita. Nakaramdam ako ng lungkot. Mga kamag-anak lang ni Thor ang naroon. Ni isa, wala akong kamag-anak na bisita ng mga sandaling iyon. Sabagay, simula't sapul wala akong kinagisnang kamag-anak, kaya, bakit pa ako naghahanap? Pero sana, naimbita ko si Vivien para may makausap ako na kaibigan. Hinanap ng mga mata ko sa ibaba ang mapapangasawa ko pagdating sa hagdan. Napalabi ako ng makita ko ang lalaking pinapangarap ko. Oops, hindi po ako ang pinangarap na mapangasawa ni Thor. Nakakalungkot, diba?  Kaya alam kong ako ang magiging talo sa pagsasamang ito bandang huli. Pero sana ‘wag mangyari. Muli kong pinagmasdan si Thor. Abala pa rin siya sa kan'yang telepono. Ang guwapo niya sa suot na three piece tuxedo, na kulay burgundy. Isa talaga sa nagustuhan ko sa mapapangasawa ko ay ang physical appearance niya, noon pa man. Siguro, gano'n talaga ang mga mayayaman, ipinanganak ding magaganda at mga guwapo, kagaya ng mga bisita namin. Walang halos kabigin sa mga lalaki. Pero mas lamang pa rin sa paningin ko si Thor. Ipapatalo ko ba ang mapapangasawa ko? Siyempre, hindi. Napatingin ako kay Tabitha ng sumenyas siya, na bumaba na ako. Nagsisimula na kasi ang wedding song na pinili ko.  Dahan-dahan akong humakbang pababa ng magsimula na ang unang stanza ng  I Wanna Grow Old With You. West life ang kumanta niyon. Ngayon ko lang napagtantong may pulang carpet palang nakalatag sa hagdang iyon. Hindi ko maiwasang mapaluha habang pinapakinggan ang lyrics. Hindi ko nga rin namalayang nasa harap na pala ako ni Yaya. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata ko. Ngumiti siya sa akin bago sila humakbang palapit sa gawi ng sala, kung saan naghihintay ang aking groom. Saglit na nagtama ang paningin namin ni Thor. Wala man lang akong mabasang reaksyon mula sa kan'ya. Pero napailing siya nang makita ang luha ko, na maya't maya ang punas ni Yaya, hanggang makarating sa harap niya. Mahigpit na niyakap ako ni Mama Thea at ni Papa Keith kapagkuwan. Seryoso si Thor ng harapin ko. Hindi ako nakailag nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. "Sa tingin mo ba, makakasama mo ako hanggang sa pagtanda? Spell asa, Yvette. Hindi rin magtatagal ay susuko ka sa marriage na ito, at hindi na nga ako makapaghintay na mangyari iyon. May paiyak-iyak ka pa na nalalaman. Sa papel lang tayo ikakasal. Sa papel lang..." nakangising bulong niya sa akin bago humarap sa judge.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
86.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
136.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
177.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook