bc

The Promise

book_age18+
3.9K
FOLLOW
14.8K
READ
others
friends to lovers
comedy
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

PROMISES MEANT TO BE BROKEN ito ang madalas na sabihin nila.

Paano pang hahawakan ni Dior ang pangakong binitawan ng lalaki na kanyang unang minahal?

Magkababata at matalik na magkaibigan sina Dior at Kurt sa murang edad nakadama sila ng pag- ibig na hindi inaasahan. Bago ang araw ng paglisan ng binata nagbitaw ito ng pangako kay Dior.

Matapos ang mahabang panahon muling nagbalik sa Pilipinas si Kurt Jimenez.

Paano haharapin ni Dior Grace Solomon ang unang lalaki na kanyang inibig?

Matuloy na kaya ang Pangakong napako?

Sino nga ba ang higit na mas matimbang KAIBIGAN O ang LALAKING MINAMAHAL?

chap-preview
Free preview
DIOR'S POV
"Dior, bumangon ka na dyan! Maaga pa tayong pupunta sa mansyon ng mga Jimenez," tawag ni Nanay ang nakapagpagising mula sa aking pagkakahimbing "Hala! Bangon na at nang makapag -agahan ka na. Niluto ko ang paborito mong pagkain na champorado!" sigaw muli ni Nanay sa akin. Pipikit-pikit pa ako pa akong bumangon. At saka nag-inat-muna bago tuluyang bumangon mula sa higaan. Maaga kasi kaming aalis ngayon dahil wala ring pasok sa paaralan kaya naisipan kong sumama kay Nanay sa mansyon ng mga Jimenez. At sabi ni Nanay ay may bisita raw ngayon na darating sa mansyon. "Opo, Nanay, " sagot ko habang inaayos ko ang aking higaan. Inaantok pa ako hahang pababa at saka dumeretso muna ako sa banyo upang maghilamos. Mabilis ko naman natapos ang paghihilamos kaya naman dumiretso na ako sa aming munting kusina "Good morning, Nanay!" Sabay yakap ko sa kanya. "Nasaan po si Tatay?" Habang nag palinga-linga ako sa paligid. "Maagang umalis alam mo naman ngayon ang araw ng anihan sa hacienda," sagot ni Nanay sa akin. "Sige na! Kumain ka na nang makaalis na tayo!" utos ni Nanay sa akin. At kaagad naman akong sumunod sa utos niya. "Wow! Nanay! Champorado ang sarap po!" Sunod-sunod na subo ang ginawa ko. "Anak, dahan- dahan lang wala kang kaagaw." Tumatawang paalala ni Nanay sa akin. "Alam mo po Nanay, gusto ko paglaki ko, kasing galing mong magluto," sambit ko. Napalingon si Nanay sakin at bahagya pang ginulo ang aking buhok. "Ikaw talagang bata ka, binola mo pa si Nanay. Sige na, bilisan mo na diyan at nang makaalis na tayo," wika niya pa "Opo, Nanay." Habang nagpatuloy ako sa pagsub ng paborito kong champorado. Ito kasi ang karaniwan na pagkain na inihahanda sa akin ni Nanay. "Maraming ipapaluto ngayon si Madam Adelaida kasi darating ang anak at apo niya ngayong araw," patuloy na saad ni Nanay. Habang nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. "Nanay, sana mabait ang apo ni Madam Adelaida para may kalaro na kami ni Janice," anas ko habang patuloy sa pagkain. "Ikaw talaga, puro kalaro ang nasa isip mo." Natatawang wika ni Nanay. "Syempre po!" mabilis kong tugon. "Tapos ka na bang kumain?" tanong ni Nanay sa akin. "Opo, Nanay." Habang sinisimot ko pa ang laman ng mangkok ko. Maraming batang nagugutom kaya kailangan ubusin ang pagkain na inihanda sa atin. Ito ang madalas sabihin ni Tatay sa akin. "Magbihis ka na sa taas. Nang makaalis na tayo." Tumango-tango naman ako at dali-dali akong umakyat sa pabalik sa aking kwarto. Nang makapag bihis ay bumababa na rin ako. Naabutan ko pa si Nanay na nagdidilig ng maliliit niyang halaman. "Tara, na, po Nanay," yaya ko pa sa kanya. Binitawan niya ang hawak na pandilig at nilagay sa may tabi. Pinagpag niya ang kanyang damit. At magkahawak kamay pa kaming lumabas ng bahay. Ang sarap pagmasdan ng palagid kulay dilaw na ang mga palayan tanda na anihan na nga rito sa aming lugar. Isa ang probinsya ng Nueva Ecija na palay ang pangunahing produkto. Kaya naman halos palayan ang makikita rito sa lugar namin. Sa bawat taong makasalubong namin ay agaw-atensyon ako sa karamihan. Ayon sa kanila ay kahit na sa murang edad ko pa lang ay nagingibabaw na ang taglay kong kagandahan. Matangos na ilong, almond eyes, makipot na labi, at ang morena kong kutis. Ay sadyang natatangi. Halos nakuha ko ang aking pisikal na anyo mula kay Tatay. "Good morning, Manong Ben!" bati ko sa gwardiya ng mansion nang makarating na kami ni Nanay rito. "Aba! Narito na pala ang pinakamaganda at bibong bata pasok kayo." Kaagad naman nitong binuksan ang gate upang makapasok na kami ni Nanay. "Salamat, Manong Ben," sambit ni Nanay. At naglakad na kami papasok sa loob ng bahay. Hindi ko talaga maiwasan na hindi mamangha sa ganda ng mansyon nila. "Nanay, ang ganda po talaga ng mansyon nila. Ang yaman-yaman po nila," sambit ko nang makapasok na kami sa loob ng mansyon nila. Kahit pa nga ilang beses na akong nakapasok dito ay gandang-ganda pa rin ako sa kabuunan nito. Pagdating namin sa kusina ay naabutan pa namin na nag-uusap sina Manang Ingrid, Ate Jo, at Ate Lyn. "Hello po, mga Marites!" bati ko sa kanila. Sabay-sabay pa silang napalingon sa akin at saka nagtawanan. "Dior, saan mo natutunan nyan?" Tumatawang tanong ni ate Jo sa akin. "Ikaw, talagang bata ka! Maloloka ako sayo," sambit naman ni Ate Lyn, sabay tawa nang malakas. "Alin po ba yong 'Marites' po? Sa kapitbahay po namin. Naririnig ko po sila ang tawag nila sa mga taong nag- uusap ay Marites po," inosenteng sagot ko sa kanila na lalong ikinatawa ng mga ito. Maging si Manang Ingrid ay nakitawa na rin dahil sa tinuran ko. "Oh, siya, tama na yan!" awat ni Manang Ingrid. "Maraming gawain ngayong araw, mag- umpisa na tayo," sambit pa nito. "Millet, ito ang listahan ng mga putahe na ipapaluto ni Madam Adelaida. Ikaw na ang bahala." Sabay abot nito kay Nanay ng maliit na papel. "Sige po, Manang, ako na po ang bahala." Habang binabasa ni Nanay ang mga putahe na nakalista. "Madami nga. Kailangan ko nang mag- umpisang magluto," wika pa nito. "Dior, sa garden ka muna maglaro habang abala ako dito sa kusina." Baling ni Nanay sa akin. Magaling na kusinera si Nanay kahit di sya nakapag-aral. Siya ang tagapagluto sa mga trabahador ng Hacienda Jimenez. Si ate Lyn, ang nakatoka sa mga panghimagas. Si ate Jo at Manang Ingrid naman ang mag-aayos ng hapag-kainan. "Dior..." tawag sakin ni Manang Ingrid. Kaagad naman akong lumapitsa kanya. "Bakit po, Manang?" tanong ko. "Anak, pwede mo bang dalhin ang mga bulaklak na ito kay Madam Adelaida?" "Sige po, Manang," tugon ko sa kanya. "Salama, Dior." Sabay abot ng mga bulaklak sa akin. Naglakad na ako papunta kay Madam Adelaida bitbit ang mga naggagandahan na bulalak. Habang nag-lalakad ako ay muli kong nilibot ang aking paningin sa buong bahay. Simula sa mga ilaw na nag- kikislapan, sa sahig nilang mala-salamin sa kislap parang mga palasyo na napapanood ko sa TV. Naabutan ko pang nag-aayos ng bulaklak sa vase si Madam Adelaida. "Good morning, Madam Adelaida," nakangiti ko pang bati dito. Kaagad naman nag-angat ng tingin ito. "Ang ganda naman niya kahit may edad na," bulong ko sa sarili. "Good morning, Dior," nakangiting bati nito sa akin. "Madam, ito na po ang mga bulaklak. Ipinabibigay po ni Manang Ingrid." Sabay abot ko dito ng bulaklak. "Salamat. Dior, alam mo ba na mamaya na darating ang apo ko. Makikilala mo na siya. Mabait din siyang bata katulad mo," sambit ni Madam Adelaida. "Gusto ko po din s'yang makilala," nakangiting ko pang sagot dito. Maya-maya pa ay nagpaalam na ako sa kanya upang bumalik kay Nanay. "Maiwan ko na po kayo, babalik na po ako sa kusina," magalang kong paalam sa ginang. Tumango lang ito bilang sagot sa sinabi ko. "Salamat ulit, Dior," ngiti lang ang sinukli ko sa kanya. Habang naglalakad ako pabalik sa kusina nang mapansin ko ang isang picture frame sa may ibabaw ng piano. Nilapitan ko pa ito saka ko tinitigan ng mabuti. Isang batang lalaki na karga ng isang babae ang nasa litrato, marahil ay mag-ina sila. Siya kaya ang sinasabi ni Madam Adelaida na darating mamaya? Siya ang apo niya? "Excited na ako na makilala siya," bulong ko sa isip. Sana mabait din siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook