JILL'S P.O.V Pagkatapos naming mag-usap ni CJ ay nagpaalam na siya saakin at ibinalik kay Tyrone ang cellphone. "Ang tagal niyong natapos mag-usap." bigla na naman akong tinamaan ng hiya. Pasensya naman. Namiss ko lang talaga ang anak ko. "S-sorry." "I'm just kidding. You can take all the time to talk. Tutal tapos narin naman ang trabaho ko ngayon." aniya. "You're not home yet kaya mas mabuti kung umuwi muna kayo." "Okay, ikaw ang masusunod." "Pupunta narin ako sa trabaho ko. Bye. Mag-ingat kayo and please take care of CJ." pagpapa-alam ko. "Aalagaan ko ng mabuti ang anak natin. I can assure you that." hindi ko na naman maintindihan ang sarili. Pagkarinig ko sa sinabi niya ay bumilis na naman ang t***k ng aking puso. "Aasahan ko iyan. Segi na. Bye." i bid my final goodbye. Pero

