"Tyrone..." mahinang sambit niya. Kung nakakapaso lang ang tingin nito ay kanina pa siya tunaw. Natatarantang tumayo siya ng maayos at lumayo kay Ryker. Tila ba may nagrarambulan sa dibdib niya dahil sa malakas na pagkabog nito. "Find a better place to flirt. Not here." dinaanan lang siya nito at hindi na lumingon ulit sakanya. "Do you know that guy? I think he misunderstood us." "Just let him be." tanging sagot niya kay Ryker at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa fire exit. 'Guys umalis na kayo diyan dahil papunta na ang kukuha ng envelope jan' biglang sabi ni Five through the earpiece. She look at her wrist watch. Eleven fifty na pala. Binilisan nila ang paglakad papunta sa fire exit para hindi sila maabutan nung tauhan ng Pxmir. As soon as they got inside the car. Pinaharurot

