Masaya si Jill dahil nakasama niya ang kanyang anak at nakapagbonding pa dito. A one day of absence in her school is worth it. Ngunit kahit ayaw man niyang aminin, masayang masaya siya dahil nakasama rin niya si Tyrone. Ang simpleng pagluluto nila na hinahaluan ng kanilang mga tawanan ang bumuo ng kaniyang araw. Nakabusangot si CJ dahil hindi niya ito binigyan ng kutsilyo para sana tumulong sa kanyang maghiwa. Hindi niya ito binigyan ng kutsilyo dahil baka masugatan lamang nito ang sarili at mahiwa ang daliri imbes na ang dapat hiwain. Nakatungtong ito sa island counter at naluluhang pinanuod siyang maghiwa dahil sa hindi niya ito pinagbigyan. Bumaling ito kay Tyrone na busy kakapanood sa kanila. "Daddy." naluluhang pagtawag ni CJ dito. He raise his hands telling his dad to carry him. A

