ANNE Binaklas ko ang kamay n'ya at sinabing wala. Pero nagpumilit s'ya at ipinaalala na bawal kaming maglihim sa isa't isa. So I cave in and said, "It's Maureen." "What about her?" Ipinatong n'ya ang kanyang baba sa balikat ko habang yakap pa rin ako. "She bothers me. Parang may mali sa kanya." "Don't tell me you're jealous of her?" natatawang tanong n'ya sa akin. Tingnan mo 'tong asawa ko. Seryoso ako sa sinasabi ko tapos tatawanan lang ako. Palibhasa ay kami lang dalawa dito sa silid, kung saan-saan dumadapo ang kamay n'ya ngayon. At kung hindi ako sana nag-iisip kay Maureen, malamang ay kanina pa ako naging marupok. "Hindi ako nagseselos sa kanya. Hon, can you be serious kahit ngayon lang?" sikmat ko sa kanya. I was losing patience. He kissed my shoulder. "Okay. I'm sorry. Tell

