“Hindi man lang siya nag-reply,” bulong ni Angelo habang nakatingin sa screen ng cell phone niya. Gusto pa nga sana niyang i-text ulit si Sad girl kung kinain ba nito ang ibinigay niya lunch kanina pero dahil sa may ooperahan siya, hindi na niya ginawa. Mamaya na lang niya ito muling eti-text pagkatapos ng trabaho niya. Nagpabili na rin naman siya ng pagkain sa food server para kay Sad girl mamaya sakali man na matatagalan siya sa operating room. Iwan ba niya kung bakit gano’n na lang siya ka-effort sa babae na iyon. Hindi pa nga siya sigurado kung may asawa o boyfriend iyong babae pero ito siya’t umi-effort at tini-text ito. Nagwiwerduhan na tuloy siya sa kanyang sarili. Hindi naman siya gano’n noon, ngayon lang nangyari sa kanya ito. Ano ba ang meron sa babae na iyon at gano’n na lang ku