“Bakit ka napatawag?” tanong ni Ara kay Angelo ng tumawag ito sa kanya. Alas singko na iyon ng hapot at katatapos lang niyang maligo dahil pawis na pawis siya kanina dahil naglinis siya ng kuwarto nila ni Luke. “Ahm, may sasabihin sana ako.” “Ano iyon?” “Kung ayaw mo’t busy ka ay ayos lang din naman.” “Ano ba kasi iyon? Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?” “Ah… A-Ano kasi…g-gusto sana kitang imbitahin mag-dinner mamaya kung okay lang sa iyo?” alangan na tanong nito sa kanya. Hindi agad nakasagot si Ara. Dinner? Tama ba ang dinig ko? Shuta! Umpisa na ba ito? Parang date na ba iyon na matatawag? s**t! “Ara, are you still there?” tanong ni Angelo ng hindi marinig ang tugon ni Ara. “Ha? Ano nga ulit iyong tanong mo? Medyo chappy ka kasi kanina. Hindi ko narinig ang sinabi mo…”