“Pagod ka na ba? Ako naman ang magmaneho para makapagpahinga ka.” Basag ni Ara sa nakabibinging katahimikan. Simula kasi noong gisingin siya nito kanina hanggang sa um-order ng pagkain sa isang fast food ay halos hindi sila nag-iimikan. “Medyo. Sige, itatabi ko lang ang sasakyan,” wika naman ni Angelo. Medyo nakakaramdam na siya ng pangangalay kaya pumayag na rin siya. Isa pa, for the safety na rin nila iyon. Nang maitabi ni Angelo sa gilid ng kalsada ang sasakyan, sabay na silang bumaba at agad na nagpalit ng puwesto dahil si Ara naman ang magmamaneho. “Are you hungry? Lunch time na,” tanong nito sa kanya. “Hindi pa naman,” kaswal sa tugon ni Ara. Hindi nagsalita si Angelo. Bagkus, kinuha niya iyong pakain na nasa lakuran. He then put it on his lap, openned the paper bag and grabbe