Matuling lumipas ang mga araw, isang linggo na ang nakalilipas mula noong pumunta ng Baguio sina Ara. Araw iyon ng Martes, nasa trabaho si Ara at kasalukuyang abala siya sa pag-check ng mga for shipment na product sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya ng may tumawag sa kanya ngunit numero lang iyon. “Hello, sino po ito?” tanong niya dahil hindi naman naka-register sa cell phone niya ang number. “Is this Arabella Feliciano?” tanong ng boses lalaki mula sa kabilang linya. “Yes, speaking…” tugon naman ni Ara. “This is Angelo’s brother. Tinawagan kita to inform you na naaksidente si Angelo at nasa ospital siya ngayon,” sabi nito na ikinabilis nang t***k ng puso ni Ara. Kilala na siya ng kuya ni Angelo dahil minsan na rin siyang nakapunta sa bahay ng mga ito noong inimbitahan siya dahil kaara