“Hey, Baby! How are you?” She says in a high-pitched cutie voice to her dog. Kumawag kawag naman ang buntot nito nang makita siya. Alas onse na iyon ng gabi at kararating lang niya galing sa date nila ni Angelo ng mga oras na iyon. Agad niya itong nilapitan at hinimas ang ulo. “Bakit gising pa ang baby? Hinintay mo ba si mommy?” tanong niya rito na kung kausapin e akala mo naman sasagot sa kanya. Napamahal na rin sa kanyang ang aso na iyon dahil ilang buwan na niya itong alaga. Binili kasi niya iyon noong birthday niya at anim na buwan na iyon sa kanya. Pomeranian ang lahi niyon at puti naman ang kulay kaya cute na cute siya noong makita ito. Hindi naman iyon kamahalan niyang nabili dahil galing iyon sa kakilala niya. After saying high to her pet, she then walks over to their room, put