“Ano!? Nagawa niya iyon?” halos mapatayo sa kinauupuan si Thess nang marinig ang kuwento ni Ara. Katatapos lang nilang maghapunan at kasalukuyang nagpapahinga sa sala ng mga oras na iyon. Gaya ng napag-usapan nilang magkaibigan, doon nga natulog si Thess.
“Oo. Kaya nga ayaw kong doon natin sa kumpanya pag-usapan dahil tiyak na kapag nalaman ng iba ay ako pa ang pag-uusapan,” ani Ara. Matagal na siya sa kumpanya at hindi naman niya lahat kasundo. Yung iba nga naiinis sa kanya dahil ang bilis lang niyang na-promote samantanlang iyong mga nauna sa kanya ay hindi. Iyon yung mga taong may mga inggit sa katawan at kapag nalaman ang nangyari sa kanya, tiyak pagtatawanan siya.
“Kaya nga pumayag na akong dito matulog dahil kilala kita. Alam kong mabigat ang ikukuwento mo at hindi nga ako nagkamali,” turan naman ni Thess. “Ano kaya kong tumagay tayo? Huwag kang magluksa sa pagkawala ni Miggy dahil hindi naman siya kawalan. Let’s celebrate dahil nalaman mo na agad,” dugtong pa nitong sabi.
“May pasok pa tayo bukas, ano ka ba?” aniya.
“Hindi naman tayo maglalasing, iinom lang. Tumayo ka diyan at pupunta tayo ng convenience store. Bibili tayo nung madalas nating inumin,” pag-aaya sa kanya ni Thess.
“Sige. Libre mo?” tanong pa ni Ara. Pero nagbibiro lang naman siya sa kaibigan.
“No problem. Kahit ilang case pa,” kaagad naman na sagot nito sabay dampot ng handbag nito na nakapatong sa ibabaw ng centre table. “Let’s go!”
Natawa na lang si Ara sa kaibigan. At kahit papaano ay naibsan ang bigat na kanyang dinadala. “Sandali lang, magpapaalam muna ako sa kapatid ko,” aniya saka tinungo ang kuwarto ng kapatid. Kasama rin nito si Luke sa kuwarto nito dahil nanonood ang mga ito ng cartoons.
Pagkatapos magpaalam sa kapatid ay kinuha lang niya ang susi ng sasakyan niya saka lumabas na. Naabutan niyang naghihintay sa kanya sa Thess at nagsindi pa ng sigarilyo. “Akala ko ba titigil ka na sa paninigarilyo?” tanong niya nang makalapit rito.
“Titigil nga kaso hindi naman gano’n kadali, ‘no? Inuunti-unti ko lang naman,” sagot naman nito.
“Sabagay, mahirap nga talaga tigilan kapag nakasanayan mo na,” wika naman niya saka binuksan muna ang gate pagkatapos ay pumasok na sa sasakyan. Sumakay na rin si Thess sa passenger seat sa unahang bahagi ng sasakyan.
“Ibaba mo lang ang bintana kasi nagyoyosi ako,” sabi nito pagkaupo.
Sinunod naman ito ni Ara saka binuksan na ang makina ng kotse at minaneho na ito palabas ng gate. Nang makalabas ay pinatay niyang muli ang makina’t lumabas upang isara ang gate.
“So, makakasama ka na pala niyan sa Baguio? Puwede mo naman isama si Luke kasi may sasakyan ka naman,” ani Thess nang muli siyang makasakay.
“Sige na nga. Matagal-tagal na rin naman na hndi ko naipapasyal ang anak ko. Saka isasama ko na rin si Lyka,” tugon niya. Kialangan niya iyon para mas madali niyang makalimutan ang sakit na dulot ng pagtataksil ni Miggy. Sabi nga nila, kapag may pinadadaraanan ka ay kailangan mong libangin ang sarili para hindi ka malugmok at sang-ayon naman roon si Ara. Ayaw naman niyang magpakalugmok dahil si Miggy lang naman ang nawala. Mas marami ang nagmamahal sa kanya kasama na roon ang anak at sariling pamilya.
“Good girl! Hayaan mo na iyong jowa mong walang kuwenta! Akala niya ikaw ang nawalan? Huh! Sorry siya dahil hindi ikaw kun’di siya! Saan pa ba siya makakahanap ng isang katulad mo? Maganda, mabait at masipag pa. Ang bobo lang niya dahil pinagpalit ka niya sa iba!” Ramdam ni Ara ang inis ni Thess kay Miggy dahil sa reaksyon ng mukha ng kaibigan niya.
“Mas maganda kasi iyong pinalit niya at sexy,” tugon ni Ara na sa pagmamaneho na nakatuon ang atensiyon.
“Bakit? Sexy ka rin naman, ah? Kung titingnan nga e para kang walang anak. Hay naku! Bakit kasi may mga lalaking hindi kuntento? Iyong titikim pa ng ibang putahe kahit nasa tamang tao na? Kaya ako? Okay na akong walang jowa kaysa naman gano’n lang din ang gagawin sa akin. I’m happy being single.”
“Baka mas higit iyong ipinalit niya kaysa sa akin. Sino ba naman ako, hindi ba? Saka maganda naman talaga iyong babae at malaki pa ang s**o. Tapos ang pula pa ng labi. Very sophisticated ang dating and I think, she’s from a wealthy family.”
“I don’t care whether she’s from a wealthy family or not! The point is, may pamilya na siya! Hindi na siya dapat pang lumandi! Makati lang talaga iyong hinayupak na iyon kaya niya nagawang ipagpalit kayo sa babae na iyon!” nanggigigil pa rin na saad ni Thess. “At saka, ano ba ang pinagkaiba ninyo? Pareho lang naman kayong may kepay,” dugtong pa nitong sabi.
Natawa si Ara sa sinabi nito lalo na salitang ‘kepay’. “Baka kasi mas pink iyon at wala pang dumaan na bata,” natatawa niyang sabi. Kapag kaibigan talaga niya ang kasama niya ay gumagaan ang kanyang pakiramdam.
“Ay sus! Kahit pa kasing pink pa ng dragon fruit ang keps niyon, wala namang pinagkaiba iyon, kepay pa rin. Saka tigilan mo nga ako sa kaka-down mo diyan sa sarili mo kung ayaw mo sabunutan kita! Alam mo mars, kung ako si Miggy, hindi na kita ipagpapalit, ‘no. Alam mo kung bakit? Bihira na lang siya makakita ng babae ngayon na katulad mo—tulad natin.”
Mas lalong natawa si Ara sa sagot ng kaibigan. Oo nga naman, kahit naman hindi siya gano’n ka ganda ay maipagmamalaki naman niya ang sarili. Hindi naman siya umaasa lang kay Miggy. Ginawa rin naman niya ang lahat para hindi maging pabigat rito. Hindi naman siya iyong tipo na tumunganga lang sa isang tabi at naghihintay lang ng iaabot nito. “Tulad ng sabi mo, hayaan na lang natin. Life must go on ika nga,” tanging nasabi niya. Sakto rin na nakarating na sila sa bibilhan nila ng iinumin kaya ipinarada lang niya sa maayos ang sasakyan saka bumaba na silang dalawang ni Thess.
Pagkatapos makabili ng kanilang maiinom, dumaan na rin sila sa nagtitinda ng sisig at bumili para may pulutan. Hindi naman sila manginginom. Katunayan ay tuwing may okasyon lang naman sila tumatagay pero dahil sa may problema siya kaya siya inaya ni Thess.
Pagkarating sa bahay, kumuha lang sila ng tig dadalawang bote saka inilagay na sa ref ang iba. Iinom lang sila ng sakto lang, iyong pampatulog lang.