One month later, araw ng Martes at iyon ang araw na pinakahihintay ng mag-asawa, ang malaman kung anak nga ba ni Angelo si Luke. Kaarawan din ni Angelo ang araw na iyon at kumpleto ang pamilya mula magulang at mga kapatid niya. Naroon din ang ina ni Ara dahil kasama ito ng mga magulang ni Anelo na dumating. Simula kasi noong ikinasal ang dalawa ay sa Baguio na ulit namalagi ang ina ni Ara habang si Lyka ay sa kanila natira dahil nag-aaral pa ito at para na rin may kasama sina Ara at Luke kapag wala si Angelo. “Ready na ba ang lahat?” tanong ni Angelo. Nasa dining area silang lahat ng bahay ng mga oras na iyon at nagkukuwentuhan dahil katatapos lang kumain. “We’re ready…” halos sabay pa na sabi ng lahat. Alam na rin kasi ng mga magulang at kapatid ni Angelo ang tungkol sa nangyari kaya la
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books