Hanna's P. O. V Lumipas ang mga buwan, Nasa bahay nalang ako dahil kabuwanan ko na. "Apples?" alok sakin ni Samantha. Nanonood kami ngayon ng Netflix habang si Xander ay pinagwawalis ko ng bahay. Hindi ko na siya pinakuha ng katulong dahil kaya naman namin. "Bes, wag ka dito umihi" sambit ni Sam. "Ha?" takang tanong ko. "Ayan oh. Basa na yung sofa" sabi niya at tinuro ang inuupuan ko. Biglang ang iba ang pakiramdam ko sa tiyan ko at noon ko napagtanto na hindi ihi iyon kundi ang panubigan ko. "SHET! SAM! MANGANGANAK NA AKO!" sigaw ko. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. "WAIT! XANDER! XANDER! SI HANNA! YUNG ANAK NIYO! JUSKO XANDER!" sigaw ni Sam at nagpanic. "ANO ANO!?" tarantang tanong ni Xander. "MANGANGANAK NA AKO!" sigaw ko. "SAM KUNIN