Part 10

925 Words

Limelight AiTenshi April 8, 2017   Part 10   "CUT!!! Good take! Okay move tayo sa susunod na location." ang sigaw ni Direk.   "Infairness itong dalawang artista natin take 2 or 3 lang perfect na agad!" ang wika ni Bernardo habang patuloy na nirereview ang close up shot ko na naka tigtig kay Joven habang naliligo sa poso.   "Okay next scene. Papasok si Ruben (Jevan sa loob ng tent kung saan maabutan niya si Lito (Kiko) na nalulungkot. Kailangan yung emosyon at yung titigan sa mata ay intense ha." ang sigaw ni Direk.   "Ready? Scene 67. Take one!" sigaw ng staff   "Camera!"   "Rolling!"   "Action!"   Pumasok si Ruben (Jevan) sa tent, kaliligo lang nito, naka tapis ng tuwalya ang bewang at nakabuyayang ang magandang katawan. "Ahh, pasensiya kana tol, naistorbo yata kita?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD