Part 7

2635 Words
Limelight AiTenshi April 5, 2017   Part 7   Makalipas ang ilang araw ay muli akong bumalik sa siyudad upang mag handa sa darating na shooting ng aming pelikula. Katulad ng dati ay hindi ko na naman naituloy ang aking pag aaral pero nag enrol naman ako ng mga online subjects para maaari pa rin akong mag quiz o mag test sa gabi gamit ang computer.   Ibinigay na rin sa akin ang script, may kakapalan ito at una palang ay talagang seryoso na ang linya. Halos lahat yata ng scene ay naka hubad kaming dalawa ni Jevan kaya naman pala dapat ay maganda talaga ang katawan. Isa pa ay maraming kissing scene na siyang nag bigay sa akin ng ibayong kaba. Paano ba ang gagawin ko doon? Minsan na akong nakaranas ng ganoong eksena kaso ay sa babae iyon at hindi sa kapwa ko lalaki. Halos ngayon palang nag s-sink in sa isip ko ang posibilidad na mag halikan kami ni Jevan ng maraming beses. Ahh bahala na! Propesyonal tayo, dapat ay gawin ng maayos ng trabaho.   Isang linggo bago sumapit ang prescon ay muli kong ginugol ang aking oras sa pag ggym at pag papa payat. Syempre nandito pa rin sa aking dibdib ang trauma na baka pintasan o ibully nanaman ako ng mga tao sa paligid ako kabilang na nga dito yung assistant direktor na si Bernardo na walang nakita kundi ang kulang sa aking pisikal na katawan.  Bakit hindi kaya nila tingnan ang talento ko sa pag arte kaysa naman ginugugol nila ang kanilang mga oras sa puna sa mga bagay na hindi matatagpuan sa akin.   "Anong ginagawa mo dito? Mag ggym ka rin ba?" ang tanong ko kay Dada noong makita ko itong umentrada sa loob ng gym.   "Aba eh hindi, kakausapin lang kita no. Saka bakit bawal ba? Kinahihiya mo ako sa mga kasama mong mga hipon dito?" ang wika nito habang palakad lakad sa loob na animo reyna.   "Kiko anong ginagawa dito ng manager mo? Ang ingay ingay niya." ang bulong ng kaibigan kong gym instructor.   "Pwede ba siyang palabasin? Ipahuli mo sa guard." ang bulong ko rin.   "Gago, edi tinarayan tayo niyan. Kausapin mo muna para umalis na. Hindi makapag focus yung mga nag bubuhat sa kaingayan niya." tugon niya habang si Dada naman ay ikot ng ikot at daldal ng daldal sa paligid.   "Eh ano bang kailangan mo Dada?" tanong ko habang nag bubuhat.   "Syempre bukas na ang prescon nyo ni Papa Jevan sa national media. Mamaya ay makikipag kita tayo sa kanya para mag practice. Jusko kabang kaba ako, saka.. pwe!!! bakit ba amoy pawis dito? Ano ba yan kumakapit sa damit ko, ang mahal mahal pa naman nito noh." ang reklamo nito.   "Natural naman gym to lahat ay nag papa pawis kaya hindi ka dapat mag reklamo. Saka bakit kailangan pa ng practice?" tanong ko naman   "Syempre, marami kailangan pag planuhin. Basta naka usap ko na ang manager ni Jevan kami na bahala sa inyo dalawa. Pwe!! ang baho talaga, lumayo ka nga sakin!" ang pag mamaktol nito sabay tulak sa isang lalaking nag bubuhat sa tabi nya.   "Psst Dada tara ligo tayo." ang pilyong wika nung isa sabay tanggal ng tuwalya niya. Dito ay lumabas ang kanyang lupaypay na ari.   "No thanks marami ako triple A battery sa condo ko." ang sagot nito   tawanan..   "Eh tayo nalang ang sabay maligo dada." ang pilyong biro rin nung isa at inalis din ang kanyang tuwalya sa bewang dahilan para bumuyangyang din ang pag kalalaki nito.   Tumaas ang kilay ni Dada "Wag na, i dont smoke!"   tawanan lahat..   "Yabang mo naman Dada, feeling mo naman maganda ka." ang hirit ng mga lalaki sa gym.   "Maganda talaga ako. Ano ba Kiko, bilisan mo nga dyan. Late na tayo eh." ang pag aapura nito sabay hatak sa akin patayo.   "Sige na Pareng Kiko sumama kana dyan sa nanay mong bakulaw!" kantiyaw ng iba.   Tawanan ulit.   "Tse, mga hipon! Sugpo! Akala ko nasa dagat na ako!" ang buwelta ni Dada habang lumalabas kami sa gym   Kilala naman si Dada sa gym dahil na rin parati itong nag pupunta doon. Kaibigan rin niya yung may ari nito kaya't malaya siyang nakakapag labas masok. May katarayan si Dada pag dating sa mga lalaki ngunit batid kong nag papa cute lang ito, yung tipong hindi sya easy to get pero deep inside ay kilig na kilig na iyan.   Matapos ang gym, dumiretso ako sa yunit para maligo at pag katapos ay tumulak kami patungo sa place ni Jevan kung saan kami mag m-meeting. Ayaw daw kasi nya sa mga pribadong kainan dahil restday nya ngayon at ayaw lumabas. Talagang kami ang nag adjust para sa kanya. Kung sa bagay mas sikat siya at mas may K mag inarte kaysa sa akin kaya tahimik lang ako at walang reklamo.  "Alam mo sayang talaga yung offer ni Belo na mag paretoke ka. Sayang ang ilong, sayang ang perfect na mata. Bigas na nga ang lumalapit sa manok di mo pa tinuka. Kaloka Kiko." wika ni Dada habang abala sa pag ddrive.   "Pwede bang ipasa iyon? Sa iyo nalang kung gusto mo." sagot ko.   "Sabi ko nga sa akin na yon hano para maging kamukha na ako ni Arci Muñoz no. Kaso ayaw nila hindi daw pwede ipasa. Kaloka sila."   "Arci Muñoz? Hindi retoke ang kailangan mo kundi milagro." sagot ko naman.   "Nakaka inis ka naman, kakampi ba kita o kalaban? Saka hello si Arci Muñoz eto lagpas ulo ang kagandahan, ang ganda ko naman ay eto na sa leeg. Malapit nang pag abot kaunting kembot nalang. Imbyerna kung ibingay sa akin ang chance para sa retoke malamang ako nalang ang nag artista at iminanage  ko ang sarili ko noh." pag mamaktol nito.   "Si Arci Muñoz nasa langit. Ikaw naman ay nasa lupa. Itigil mo na nga ang pag ddrugs." sagot ko naman.   "Ikaw Kiko ha, kung di ka lang gwapo at di kita naging pinsan eh binuksan ko na ang pinto dyan sa gilid mo at inilaglag na kita rito sa sasakyan ko." ang galit na tugon nito.  "Mainit talaga ang ulo ko kapag usaping kagandahan na!"   Natawa ako at tinapik ang kanyang balikat "gaganda ka rin, sa tamang panahon."   "Ayy ang sama naman. Ibig sabihin ba ay hindi ako maganda ngayon?" tanong nito na may halong pag kainis.   "Hindi naman sa ganoon, ang sabi ni mama ang tunay na kagandahan raw ay nasa loob ng puso. Kaya mas maganda kung diyan nalang iyan manatili." hirit ko naman.   "Isang isa nalang talaga ihuhulog na kita dyan!" galit na salita nito.   Tawanan..   Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang flat ni Jevan. Doble ang laki nito kumpara sa aking tinitirhan. May balkunahe pa at sariling gym sa itaas. Balita ko ay dalawang taon palang si Jevan dito sa showbiz pero bigatin na agad ang nagiging projects niya. Mula sa pagiging commercial model ng isang sikat na energy drink hanggang sa pagiging mahusay na aktor. Talagang tuloy tuloy ang pag ngiti ng kapalaran sa kanya. Kaya't hindi nakapag tataka na siya ay nasa pinaka taas na tagumpay. Samantalang ako ay nag sisimula pa lamang sa aking naiibang karera.   "Welcome mare, beso! Tsup!" ang bungad ni manager ni Jevan na si Pam. Nag beso pa ang dalawa na parang isang daang tao hindi nag kita. "Hi Kiko, nice to see you again. Natandaan mo ba ako?" ang tanong nito sabay beso rin sa akin.   "Oo naman, doon sa audition. Isa ka sa mga nang okray sa akin." naka ngiti kong sagot. "Ano ka ba, biro lang naman iyon no. Pero anyway deserve mo naman ito at bet na bet nga ni Direk Limas ang acting mo noong audition. Dalang dalang ang matandang bakla sa mga titig mo." ang papuri niya. "Teka, gorabels na kayo dito sa loob at baka makita tayo ng media dito sa labas. Sandali at tatawagin ko lang si Jevan doon sa itaas." dagdag pa niya sabay akyat sa hagdan.   "Pasok na tayo sa loob Kiko. Doon tayo mag gg-groupie." pag yaya ni Dada.   "Ha? Anong groupie? Bakit may ganoon?" ang tanong ko naman.   "Group meeting! Ano bang nasa isip mo jan? Orgy? Ang hilig nyo kasi manood ng p**n mag kakabarkada kaya kung ano anong pumapasok sa isip mo. Saka heller hindi ko kaya type si Jevan. Di ko gusto ang kagwapuhan nyo, masyadong sosyal, alam mo iyon? Masyadong femenine. Unlike kay Albert, maton na maton. Basta hindi mo mauunawaan okay." ang sagot nya.   Napakamot nalang ako ng ulo dahil hindi ko nagets yung mgaa sinasabi niya. At habang nasa ganoong pag uusap naman kami ay siyang pag baba ni Jevan s hagdan. Naka suot ito ng maiksing short at sandong puti. Halatang kakagising lang dahil gulo gulo pa ang kanyang buhok at nag aalis pa ng muta. "Kakagising lang ng lolo mo. Nag gimik gimik iyan kagabi kaya napuyat ng husto." ang bulong ni Pam.   Nginitian ko naman si Jevan habang palapit sa amin. Tumango lang siya at mabilis nag tungo sa kusina para mag timpla ng kape. Walang salita, parang may sariling mundo pero nakapagwapo pa rin niya, pakiwari ko ay iwan pa rin ako kahit naka porma na ako ng husto.   "Eh bakit parang bad mood naman yata si Papa Jevan, ginising mo ba?" tanong ni Dada   "Kanina pa siya gising no, tinatamad lang bumangon. Saka ganyan talaga iyan, hindi pala kibo." bulong naman ni Pam.   Makalipas ang ilang minuto ay muling lumapit si Jevan hawak ang tasa ng kape. Naupo ito sa tabi ng kanyang manager sabay dukot ng cellphone at nag pipindot na parang walang paki alam. "Geh usap lang kayo, nakikinig ako." ang wika niya.   "Ano bang problema ng isang ito? Alam naman niyang mag uusap ng masinsinan dito sa harap ng lamesa pero heto siya at abala sa pag tetext. Kaunting respeto naman." bulong ko sa aking sarili habang naka tingin sa kanya.   Habang nasa ganoong pag titig ako ay siya namang pag baling ng lingon sa akin. Panandalian nag tama ang aming mga mata kaya agad kong binawi ang sa akin at tumingin ako sa ibang direksyon. Bale wala lang naman sa kanya, tuloy pa rin ito sa pag pindot ng cellphone.   "Listen kayong dalawa ha, mamaya na yang sulyapan na yan." ang wika ni Dada dahilan para mangiti si Jevan. "Kailangan maipakita natin sa tao na may chemistry ang tandem ninyong dalawa. Iyon ang sabi ni direk Limas. Kaya sa prescon palang dapat ay medyo sweet na kayo sa isa't isa."   "Lakas maka bakla ah. Kailangan ba talaga?" ang entrada ni Jevan..   "Aba e talagang malakas maka bakla lalo't iyon naman talaga ang role nyo sa pelikula diba? Dalawa maskuladong cowboy na pumatol sa isat isa. Naalala ko nga noong prescon alangan na alangan si Jevan kay Albert. Parang nag mukhang bottom ang alaga ko sa kanya. Ang laki ng katawan nun eh." ang wika ni Pam   "Bottom talaga? So meaning si Kiko ang bottom sa kanilang dalawa?" ang natatawang tanong ni Dada   "Anong bottom ba?" tanong ko naman dahilan para mas humagikgik na tawa ang dalawa.   "Sa gay relationship may tinatawag na Top at Bottom. Yung Top siya yung lalaki ang role mula sa simpleng gawain hanggang sa s*x. Tapos yung bottom naman ay yung babae pag dating sa s*x, yung tinutuhog at yung inaalagaan ng top. Basta ganoon." ang wika ni Pam   "May ganon pa? Kailangan ba talaga?" tanong ko ulit.   "Aba e natural mente Kiko, yung role mo na role ni Jake Gyllenhaal  sa original na Brokeback mountain ay bottom. Literal na nag papa broke ng back ang lolo mez. In short nag papa tira sa pwet!" wika ni Dada.   Natawa naman ako at napakamot ng ulo. "Aw sakit yon!"   "Sa una masakit yon pero pag tumagal ay heaven na. Hayy sayang nga lang dahil iniwan ako ng jowa ko. Sumama sa babae! Pinag palit ako sa petchay!" tugon ni Pam   "Nakaka ilang jowa ka naman mader?" tanong ni Dada   "Marami na noh, same history lang ang nangyayari. Pinag papalit ako sa babae! Kasi mga straight ang nagiging boylalu ko." sagot ni Pam.   "Naku mader napaka 80s naman kasi ng pag kabakla mo. Modern na kasi ngayon kaya modern na rin ang isip ng tao. Ang hinahanap mo naman kasi ay guy who likes girl, talagang iiwan ka nila. Bakit hindi ka mag hanap ng guy who likes guy para happy ending. Madami naman dyan na mga descreet ah." paliwanag ni Dada na parang lumayo na ng lumayo ang topic na napunta na sa love life nilang dalawa.   "Ayoko nga no, anong gusto mo kasi bakla ko yung jowa ko. Sa halip na kabayuhin ako sa gabi ay siya ang kakabayuhin ko at pag katapos ay kapwa kami mag mamake up ng pang miss universe. Ganoon ba?" ang tanong ni Pam   Tawanan sila..   Ako naman ay napatingin kay Jevan na noon ay may sinesenyas. "Ha?" tanong ko.   "Ehem, sige mag kwentuhan muna kayo dyan mga bakla. Ililibot ko lang itong leading man ko sa area ko." ang wika ni Jevan sabay senyas sakin na tumayo ako.   Iyon nga ang set up, iniwan namin sina Dada at Pam doon sa dining area na nag kkwentuhan tungkol sa love life nila na hindi naman kami makarelate. "Hi." ang wika ko kay Jevan na hindi ko malaman kung paano ko iapproach. Dati kasi ay sa telebisyon ko lang ito nakikita ngayon ay kasama ko na siya. Hindi ko pa rin maiwasang maistarstruck.   "Pasensya kana kay Pam ganoon talaga iyon kadaldal. Gusto mo ng alak? Doon tayo sa balkunahe tumambay. Mas presko doon." pag yaya nito sabay kuha ng apat na bote ng beer sa ref. "Huwag kang mahiya sa akin ha. Pareho lang naman tayong tao." biro niya.   "Naistarstruck lang ako sayo tol. Gwapo mo pala talaga sa personal." biro ko rin.   Natawa ito at tinapik ang aking balikat. "Ikaw ang pinaka unang lalaking nag sabi na gwapo ako. Seryoso ka diyan ha, walang bawian."   "Oo naman, di ko babawiin. Basta pa authograph mamaya ah. Saka paki sign na rin tong cd mo na binili ko pa noon."   "Aba, bumili ka pala ng album ko. Salamat ha." naka ngiting wika nito sabay tungga ng alak.   "Ikaw lang mag isa rito?" tanong ko sa kanya.   "Oo naman. Kaso every weekend lang naman ako nandito lalo't maraming ginagawa. Relaxation ko na ang matulog mag hapon kapag walang taping. O kaya ay mag dadala ako ng babae para makasex." naka ngising sagot niya.   "Diba may gf ka? Yung model na si Chalita?" tanong ko naman.   "Hindi ko siya GF, ka loveteam ko siya doon sa serye. Syempre kapag love team kayo ay dapat sweet kahit saan. Ikaw sino bang kaloveteam mo?" tanong niya.   "Wala naman akong ka love team sa sitcom. Sidekick lang ako doon eh. Ahh meron pala, IKAW!" ang biro ko dahilan para matawa ito. "Oo nga pala. Excited ka ba na mag panggap bilang bading?" tanong niya.   "Excited na kinakabahan. Sana ay tanggapin tayo ng tao. At sana ay huwag akong gerahin ng suporters nyo ni Chalita. Fan rin naman ako ng "Chavan (Chalita Jevan) loveteam"   "Hindi naman siguro. Saka karahimang supporters natin sa social media ay mga taga LGBTcommunity. Buhat nung inaanounce na tayong dalawa ang gaganap sa pinaka aabangang nilang pelikula ay gumawa na sila ng tandem code natin "Jeko" pa nga eh. "Jevan Kiko" loveteam. Kakilig no?" natatawang salita niya.   "Ganoon ba? Dineac ko kasi yung social media ko matapos akong ibully online."   "Basta sa akin, mag sawa silang ibully ako o iblind item pa. Basta masaya ako sa mga bagay na ginagawa ko ay wala silang paki. Nature ito ng work natin, kaya kailangan ay matatag ka. Huwag mong isipin na galit sila sa iyo, minsan ay talagang trip nalang nila pag usapan. Pero sa tingin ko ay mainam na iyon kesa naman di ka nila pinapansin. Madilim na parte ng buhay ang ginagawa nilang pambubully sa iyo at nasa iyo iyon kung gusto mong dibdib o hayaan nalang." paliwanag niya.   "Wow, tama ka doon tol. Salamat." sagot ko naman sabay tungga ng bote sa aking bibig.   "Goodluck sa atin bukas. Cheers!"   "Cheers!"   Noong araw na iyon ay kinilala namin ni Jevan ang isa't isa. Kahit papaano ay naging palagay naman ang loob ko sa kanya at sa tingin ko ay magiging masaya ang panibagong yugto ng karera ko sa spotlight lalo't makakasama ko siya.   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD