Galit na tinadyakan ng isang magandang babae ang bike nitong nabutas ang gulong. Nasa gilid pa naman siya ng kalsada at tirik ang araw, mahuhuli na siya sa trabaho nito. Napatili pa ito ng may malakas na bumusina sa kanyang likuran. Galit itong humarap at lumantad sa kanyang paningin ang isang mamahaling sports car. Mabilis na lumabas doon ang isang astig subalit napakaguwapong binata.
"Hi, Miss! You wanna ride me?" nakangising tanong ng lalaki.
The girl smirked and cross her arms. Saka nito tiningnan ang lalaki mula ulo hanggang paa.
"Ang guwapo ko hindi ba?" sabi ng lalaki sabay kindat.
Napangiwi naman ang babae saka parang diring-diri sa binata.
"Haller! Saang banda?"
Nawala ang ngiti sa mga labi ng guwapong lalaki.
"I am the hottest billionaire in town, don't you know me?"
"I dont care kung ikaw man ang hottest maging coldest na billionaire sa buong lungsod. Hindi mo ako makukuha sa mga ganyan na style, bulok na 'yan! And take note, gasgas na sa tainga ang mga linyahang iyan!" talak ng babae.
The man's jaw dropped.
"Seriously, hindi ka naguguwapuhan sa akin?" maang na tanong nito.
"Hindi ikaw ang tipo ko, Mister!" pagmamatigas ng babae.
Naningkit naman ang mga mata ng lalaki.
"As if maganda ka? Sayang lang ang oras ko sa'yo manang!"
Nameywang naman ang dalaga dahil sa inis nito sa lalaki.
"Mas sayang ang oras ko sa'yo, Manong!" aniya.
Nag- dirty finger pa ang lalaki bago nito pinaharurot ang kanyang sasakyan.
"Feelingerong frog!" sigaw ng babae kahit na malayo na ang sasakyan ng aroganteng lalaki.
"Napaano ka, Eve?" sa isang tabi ay may tumigil na tricycle at ang kaibigan nitong si Cecilia ang lulan niyon.
"Cecilia!" bulalas ng dalaga.
Lumapit si Cecilia sa kaibigan nito at sinipat ang nasirang bike ni Eve.
"Sabi ko sa'yo itapon mo na 'yan eh!" iiling- iling na wika nito.
"Uy, huwag! May sentimental value ito sa akin," tutol ni Eve.
"Naku, ewan ko sa'yo! Sumakay ka na nga sa tricycle mahuhuli na tayo."
Magkasunod naman na ang dalawa na sumakay sa tricycle na naghihintay sa may tabi. Ilang saglit pa at nakarating na sila sa kanilang pinapasukang opisina. Mabilis silang umibis mula sa tricycle at nagbayad na. Dali- dali silang pumasok sa may entrance parang hinahabol ang kanilang mga hakbang pag- check in nila sa may information desk.
"Wheeww! Muntik na tayong late," wika ni Cecilia.
"Sorry na," mahinang sagot ni Eve.
"Okay lang, tara na back to work na tayo." turan ni Cecilia at pumasok na sila sa kanilang department.
Nagtatrabaho ang magkaibigan sa IKJV Company and Corporation, bilang isang IT Staff sa IT Department ng kumpanya. Malaki ang kumpanyang iyon sapagkat pagmamay- ari ng kilalang bilyonaryo. Sabay na naupo ang magkaibigan sa harap ng kanilang computers.
"Good morning ladies and gentlemen!" untag sa kanila ng kanilang manager.
Iisang lingon lang silang lahat sa kanilang manager at naghanda silang makinig lahat.
"Darating mamaya 'yong anak nina Big boss dito for visiting. At baka next month, magte- training na siya rito bilang bagong mamahala ng kumpanya." Pagbibigay alam ng manager.
Nagkatinginan ang lahat, tatlo ang alam nilang anak ng may- ari sa kumpanya.
"Iyong bunso ang pupunta rito, the hottest of them all!" baklita kasi ang kanilang manager.
Napangisi naman si Eve at pinaikot nito ang kanyang mga mata. Nakita naman ni Cecilia ang ginawa ng kaibigan nito.
"Basta guwapo kilig na kilig, like ewww!" bulong ni Eve.
"Loka ka, huwag kang ganyan ano? Alam kong hate mo ang mga mayayamang guwapo, huwag mo namang lahatin!" tudyo ni Cecilia.
"Tse! Tumigil ka, basta allergy ako sa mga mayayamang guwapo!" singhal ni Eve sa kaibigan.
"Huwag kang magsalita ng patapos day! Baka isang araw, ang mapangasawa mo mayaman na guwapo huwag laging bitter uy!"
"Shut up!" pandidilat ni Eve sa kaibigan at tinalikuran na nito.
Wala na silang pakialam sa kanilang manager na nagku- kuwento na rin sa lahat. Pasok sa isang tainga ni Eve ang lahat ng mga naririnig nito saka naman lalabas sa kabilang niyang tainga. Ganoon si Eve kapag hindi siya interesado sa topic, out of the blue na lang siya at parang gusto na lang niyang lumubog sa kanyang kinauupuan. Para kasi sa kanya, ang mga mayayaman hindi para sa mahihirap. Magkakaiba ang mga mundo nila kagaya rin sa librong kanyang nababasa. Nakakatakot mapabilang sa mundo ng mga mayayaman, ganoon din ang mga ito sa kanilang mundong maralita.
Nakapokus na si Eve sa kanyang computer nang magtitili ang kanilang manager at nagsisisigaw.
"Tumayo kayong lahat, nariyan na siya sa bungad bilis!" sigaw nito.
Napailing-iling naman si Eve habang natatawa si Cecilia. Lumalabas kasi ang kabaklaan ng kanilang manager sa IT Department kapag nakakakita ito ng pogi. Ni hindi interesado si Eve na tingnan ang mukha ng kanilang bagong magiging amo soon. Kaya tiningnan na lamang ni Eve ang kanyang mga kukong hindi pa niya nalilinisan.
"Magandang araw po, Sir Isiah Kent Jude Villagracia!" sabay-sabay na bati ng lahat maliban kay Eve sabay yukod bilang kanilang paggalang.
Ngumiti naman ang binata at tumango.
"Magandang araw din sa inyong lahat! I'm hoping that you can cooperate with me in the future!"'sabi nito.
Pumalakpak ang iba habang ngiting- ngiti naman ang mga iba pa. Dedmang nag- angat nang mukha si Eve upang kunwari ay masayang makita ang kanilang bagong amo. Upang manlaki ang kanyang mga mata nang makita ang mukha ng kanilang magiging bagong amo.
"Ang aroganteng lalaki!" bulalas ni Eve.
Kagyat na napalingon si Cecilia sa kaibigan nito.
"Kilala mo?" tanong nito sa nagtatakang tono.
"Ha?! Ah... hindi!" pagkakaila naman ni Eve pero napasimangot ito.
Of all people, amo pala niya ang walang modong lalaking naka-bardagulan niya sa daan. Natawa tuloy si Eve sa biro ng kanyang kapalaran, sinasabi nga ba niyang isang kalaban sa buhay ang lalaking nakilala niya.
"Ano nga ulit ang pangalan niya?" tanong nito kay Cecilia.
"Hala, hindi mo narinig? Si Sir Isaiah 'yan!" bulong naman ni Cecilia kay Eve.
Tumango - tango si Eve habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa arogante niyang amo. Kapagkuwan ay napangisi sa kanyang naisip dahil bagay ang pangalan ng lalaki sa personality nito, Isaiah balahura!