"Si Mando ang killer?! Seriously?!" Harvey asked Prince and Hazen in a furious tone. "Of course not. 'Wag tayong magbintang agad-agad, please?!" Hazen rigidly opposed. Sinalubong niya ang matalim na tingin ni Harvey. Sa lahat talaga ay ayaw na ayaw ni Hazen na may naaagrabyadong tao lalo't walang ebidensya. Kahit pa nawala sa matinong katinuan si Mando ay wala silang karapatang pagbintangan ang binata. Hindi nito kasalanan kung nasiraan ito ng bait. Nagmahal lang si Mando nang sobra-sobra kaya nagkaganoon. "Sige, Hazen, kung hindi si Mando. Sino? Tell me!" Nakagat ni Hazen ang pang-ibaba niyang labi. Hindi niya alam pero malakas ang kutob niya na hindi si Mando. Isa pa walang dahilan si Mando na pumatay. She let her tears fall as she diverted her gaze to her right side. Iniwasan niy