Marahas na pagbuhos ng tubig ang nagpabalik sa malay-tao ni Je Em. Umubo-ubo siyang pinilig-pilig ang kanyang ulo habang nakapikit ang mga mata niya nang mariin. He wants to wipe his face, but he is unable to move his hands. Sinubukan din niyang buksan ang kanyang mga mata ngunit gawa ng tubig na tumutulo mula sa buhok niya sa noo niya ay hindi niya magawa-gawa. "Boring ang laro natin kapag tulog ka. Dapat enjoy tayo kapag pinatay na kita.” Pero nang may magsalitang lalaki ay napamulat na siya nang pabigla. Napakabilis na ipinaalala rin ng utak niya ang nangyari kanina. Mula sa pag-i-ensayo nila ng sayaw hanggang sa namatay si Mieko at nagkulong sila nina Harvey, Prince at Hazen sa classroom, tapos nalaman nilang si Mando ang killer, hanggang nakaharap niya ang killer sa hagdanan. "F*c