"Hazen!" Mieko rushed to Hazen as soon as she stepped out of the taxi, embracing her tightly. Halatang galing ito sa pag-iyak dahil sa namumugto nitong mga mata, na malamang ang dahilan ay ang papel na mga natanggap nila na may nakasulat na KISS, MARRY, KILL. “Nasaan na sila?" Hazen asked as she caressed Mieko's back. "Malapit na raw sila," sisinghot-singhot na sagot ni Mieko sa kanya na kumawala rin agad ng yakap. "Hazen, I'm scared. What was that? Bakit tayo nakatanggap ng ganoong papel?" "Dinala mo ang papel?" tanong din niya imbis na sumagot. Her expression was one of complete horror as well. Mieko nodded. Ilalabas na sana nito ang papel pero natigil sila sa pag-uusap nang may pumaradang taxi sa tapat nila. Sabay-sabay na lumabas doon sina Harvey, Prince, at Je Em. "Guys!" Sinal