Grabe ang taas-baba ng paghinga ni Prince habang tigagal na nakatitig sa bangkay ni Mando. His mouth fell open, and his lips quivered in dread. Halos lumuwa din ang mga mata niya at kababakasan ng matinding takot at pagkagulat. He really hates Mando, but hell, hindi niya naman ninais na ganito rin ang sapitin ng kapwa binata. Wala nang ulo kasi ang bangkay ni Mando. At tila ba'y kapipigtas pa lamang gawa nang sumisirit pa nitong sariwang dugo sa pinagputulon nitong leeg. Tapos ang katawan ay para itong pinagsasaksak ng madaming tao or sinalakay ng isang halimaw na may mahahaba at matatalim na kuko. Ang tiyan ni Mando na hanggang dibdib ay warak na warak o sa tamang salita ay kinalaykay yata kaya ang mga laman-loob na ni Mando ay kalat na kalat na, nakabulwak. Kung mahina ang sikmura n