Few days later... "Boss! Boss! Ang mga hayop na ito! Wala na yatang katapusan ang panggugulo nila. Boss! Boss!" Hindi magkandatuto at malakas na tawag ng isang guwardiya. Dahil sa lakas ng boses ng guwardiya nila ay agad ding lumabas ang mag-asawang Isadora at Duncan. "Maaga pa naman sa pagkakaalam ko. Bakit ba abot hanggang rooftop ang boses mo?" agad na tanong ng huli. "Mamaya mo na ako sermunan, Boss. Ang monitor one hundred metres away umiilaw. Sigurado akong disgrasya na naman ang dulot nito kung hindi natin maagapan," tugon nito ay hindi inalintana ang amo. SA narinig ay agad ding kumilos si Duncan kaso nang maalala ang guwardiyang pumasok upang ipaalam sa kaniya ang kasalukuyang sitwasyon ay hinarap niya ito. "Sige na, Hijo. Bumalik ka na sa puwesto mo. Ako na ang bahala sa mo