"Anak, bago ko sagutin ang tanong mo ay ako muna ang magtanong," ani Surgeon Shainar Joy sa pasyenteng pansamantalang hindi makakita. Pamangkin ng asawa niya. Ngunit kakilala rin ng pamilya nila ang pinagmulan nito. "Sige po, Tita. Ano po iyon?" balik-tanong ni Duncan. "Noong dinala ka ng mga tauhan mo sa pagamutan kung saan ka na-confined, ano ang findings o resultang sinabi ng doktor?" Sa tanong na iyon ng doktora ay bahagyang natahimik si Duncan. Pilit inalala kung ano nga ba ang sinabi ng doktor na umaasikaso sa kaniya noong nangyari ang hindi niya inaasahang pangyayari. Kaso dahil hindi naman diretsahang sinabi sa kaniya. Dahil ang asawa niya ang nagtapat. HINDI nalingid kay Isadora ang reaksyon na iyon ng asawa. Kaya't agad siyang pumagitna. Siya ang nagpaliwanag. "Ako na po an