bc

My Brother's Best Friend's Sinful Desire

book_age18+
29
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
escape while being pregnant
powerful
mafia
single mother
heir/heiress
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

By day, Ayah was his brother's best friend's secretary, but by night, she was the woman who needed to warm his bed. Kasal sila—sapilitang pinakasalan ni Aliandrie si Ayah matapos ang isang gabing pagkakamali at pagkalimot, pero ang kapalit nito ay kailangang pagbayaran ni Aya ang kasalanang hindi niya ginawa. She loves him, he hates her. He broke her heart, but he claimed her as if he owned her. Paano kung tuluyan ng sumuko si Ayah dahil napagod na siyang masaktan at kailangan niyang iligtas sa mapanganib na asawa ang batang nasa kaniyang sinapupunan? Would they have a chance to be together and fix their broken hearts?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
AYAH KATELYN CRUZ Malakas na kalabog ng pintuan ng maliit na silid ko ang gumising sa akin, kaya napabalikwas ako ng bangon. Mukha ng mga magulang ko ang bumungad sa mga mata ko nang magmulat ako ng aking mga mata, kaya nagtatakang napatingin ako sa kanila. “M-may kailangan po ba kayo sa akin, Mommy?” kinakabahan kong tanong. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa aking ina. Dinakot pa niya ang buhok ko at hinatak ako pababa sa kama. “Anong oras na! Tulog ka pa rin, na babae ka!” galit na singhal sa akin ni Mommy. “Masama po kasi ang pakiramdam ko, kaya nagpahinga muna ako,” agad kong paliwanag dahil siguradong masasaktan ako, pero mukhang nagkamali ako dahil mas lalo lamang nag-init ang ulo ng aking ama. “Tanghali na, pero hanggang ngayon, wala pa tayong makain, Katelyn?!” Halos mabingi ako sa malakas nilang mga sigaw, kaya dali-dali akong bumaba sa kama para lumabas ng silid ko. Pero bago ako makalabas, hinatak ni Mommy ang aking mahabang buhok, kaya natigilan ako at napatingala sa kaniya. “Sa lahat ng ayaw ko, ay ang tamad sa loob ng pamamahay ko!” galit niyang sigaw sa mukha ko. “Magluto ka na! Gutom na ako!” “Opo, Mommy,” mahina kong sagot. Kahit mahapdi ang anit ko ay patakbo akong lumabas ng aking silid. Nabangga pa ang balikat at braso ko sa pintuan, pero balewala ito sa akin dahil gusto kong makalayo agad sa aking mga magulang. Kailangan kong magluto at gawin ang mga gawain dito sa bahay dahil ako na ang katulong ngayon ng aking pamilya simula nang paalisin ni Mommy ang aming mga kasambahay dahil wala na siyang maipasahod sa kanila. Baon na rin kami sa utang, pero ayaw pa rin nilang tumigil sa pagsusugal. Si Kuya naman ay nagtatrabaho sa isang corporate company, kaya sobrang proud sa kaniya ang mga magulang namin. Dapat sana'y nag-aaral ako ngayon gaya ng ibang kasing-edad ko, pero tumigil na ako dahil hindi na ako kayang pag-aralin pa ng mga magulang ko. Napabuntonghininga ako nang makita na tanging malamig na tubig sa loob ng pitser ang laman ng refrigerator namin. Hindi nag-iwan ng pang-grocery si Kuya Dexter kanina, kaya hindi ako nakapamili sa palengke. “Paano na ngayon?” napapikit na tanong ko sa aking sarili dahil siguradong magagalit na naman sa akin ang mga magulang ko. Ilang araw silang hindi umuwi, kaya hindi rin ako nagluto dahil wala naman akong iluluto. Tanging ilang pirasong tuyo at itlong lang ang pinagkasya ko dahil ayaw din magbigay ng pera sa akin ni Kuya Dexter kung wala dito sa bahay ang mga magulang namin. Nagsasaing ako nang marinig kong may pumaradang sasakyan. Bumukas ang pintuan at pumasok si Kuya Dexter kasama ang best friend niyang si Kuya Aliandre. May dala siyang dalawang plastic bag mula sa malapit na grocery dito sa bahay, at pagkatapos, inutusan niya akong kumuha ng baso para sa kanilang magkaibigan. Dali-dali akong bumalik sa kusina at kumuha ng baso para sa kanila. Naglagay na rin ako ng yelo sa ice bucket dahil alam kong kailangan nila ito. Kinuha ko na rin ang paboritong alak ng kapatid ko at dinala ito sa sala para may mainom sila ng kaniyang kaibigan habang nagkukwentuhan. “Sigurado ka na ba talaga na magpo-propose ka na kay Celine, Lian?” narinig kong tanong ni Kuya Dexter sa best friend niyang si Kuya Aliandre. “Of course,” mabilis nitong sagot. “Hinihintay ko lang siyang bumalik dito sa Pilipinas, Dex.” Parang may matalim na punyal ang bumaon sa aking dibdib sa narinig kong sagot ni Kuya Aliandre. “Well, congratulations na agad, Lian! Siguradong hindi ka tatanghaliin ni Celine dahil noon pa man, mahal ka na niya!” malakas at masayang sabi ng kapatid ko sa kaniyang kaibigan. Kahit ramdam ko ang pangangatog ng aking mga tuhod, nagawa kong ilapag ang dala kong inumin sa ibabaw ng mesa. “Thank you, Ayah,” nakangiting sabi sa akin ni Kuya Aliandre. Kumibot ang aking mga labi at bumalatay ang tipid na ngiti dahil kailangan kong kumilos ng normal sa harap nila. “May kailangan pa po ba kayo, Kuya?” tanong ko sa kanila. “Wala na,” seryoso ang ekspresyon na sagot ng aking kapatid. Mabilis akong humakbang palayo sa kanila sa sala dahil nakakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib habang kaharap ko si Kuya Aliandre at laman ng isipan ko ang narinig ko tungkol sa balak niyang pag-propose sa babaeng mahal niya. Ikakasal na pala si Kuya Aliandre at tuluyan na akong mawawalan ng pag-asa sa kaniya, pero kailangan ko itong tanggapin dahil kahit noon pa man ay kapatid lamang ang turing niya sa akin. Bumalik ako sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Naggagayat ako ng repolyo nang lumapit sa akin si Mommy at sinigawan niya agad ako. “Maligo ka nga! Ang baho mo, Katelyn! Hindi ka ba nahihiya sa bisita ng Kuya mo?” Napayuko ako upang pigilan ang luhang namuo sa aking mga mata, pero bigla akong natigilan nang hampasin ni Mommy ang aking braso. “Ang sabi ko, maligo kang mabuti at mag-spray ka na rin ng pabango dahil nagrereklamo ang bisita natin na hindi niya gusto ang amoy mo—malansa ka!” Kumurap ako at kinagat ang ibabang labi ko para hindi umiyak sa harap ng aking ina dahil lalo lamang siyang magagalit. “Maligo ka na at magsabon kang mabuti, Katelyn!” “Opo, Mommy.” Patakbo akong umalis sa kusina at tumungo sa silid ko. Agad akong pumasok sa maliit na banyo at naligo dahil hindi ako puwedeng magtagal dito kasi siguradong masasaktan na naman ako ng mga magulang ko. Magsabon ako ng mabuti at ilang ulit na nag-toothbrush dahil ang sabi ni Mommy, mabaho raw ang hininga ko kaya huwag na akong bumalik sa sala dahil nakakahiya raw sa aming bisita. Paglabas ko ng banyo, agad akong nagbihis at nagsuklay, at nang matapos, bumalik ako sa kusina para ipagpatuloy ang paghahanda ng hapunan. Nadatnan kong nakatayo si Mommy sa tapat ng mesa. May hawak siyang baso at kaharap niya ang pitser na may lamang orange juice. “Tikman mo nga ito kung tama na ang lasa, Katelyn!” malakas na utos sa akin ni Mommy. Inabot ko ang hawak niyang baso at tinikman ang juice na gawa ng aking ina. “Ubusin mo na 'yan, Katelyn,” utos ni Mommy sa akin. “Sayang kung itatapon lang natin 'iyan. Hindi na tayo mayaman gaya ng dati.” Ginawa ko ang sinabi ng aking ina. Inubos ko ang laman ng baso para hindi ito masayang, at pagkatapos, inilapag ko ito sa ibabaw ng mesa. Pag-angat ko ng aking ulo, bigla akong nakaramdam ng labis na pagkahilo, kaya napakapit ako ng mahigpit sa upuan, pero lalo lamang akong nanghina. “Anong nangyayari sa iyo, Katelyn?” narinig kong tanong ni Mommy sa akin. Ipiniling ko ang aking ulo, pero hindi nawala ang pag-ikot ng aking paningin; ganoon din ang labis na panghihina ko. “Tulungan mo nga ako, Macario, dito kay Katelyn!” malakas na utos ni Mommy kay Daddy. “Hindi ko kayang buhatin ang babaeng iyan!” narinig kong sagot ng aking ama. “Sandali, tatawagin ko muna si Dexter.” Pakiramdam ko'y ang init ng paligid ko, kaya gusto kong hubarin ang suot kong damit, pero hinawakan ni Mommy ang kamay ko para pigilan ako. “Huwag kang magkalat dito, Katelyn!” matigas niyang sabi sa akin. “Pumasok ka sa kwarto at nakahihiya sa bisita natin kung dito ka pa maghuhubad!” Hinatak ako ng aking ina sa braso. Kahit nanginginig ang aking mga binti at tuhod, nagawa kong humakbang dahil kinaladkad ako ni Mommy palabas sa kusina at dinala sa isang silid. Nanlalabo na ang paningin ko at pinagpapawisan na ako, kaya wala na akong pakialam nang hatakin ako ni Mommy papasok nang buksan niya ang pintuan ng silid na pinagdalhan niya sa akin. Bigla niya akong itinulak sa kama, kaya napahiga ako at hindi nagawang bumangon agad dahil nanghihina ako at nanlalambot ang mga tuhod ko. “Mommy…” mahinang tawag ko sa aking ina, pero tinalikuran niya ako at iniwan sa loob ng silid na pinagdalhan niya sa akin. Kinakabahan ako at nakaramdam ako ng labis na takot dahil alam kong may mali sa nangyayari ngayon, pero wala akong lakas para tumayo at lumabas dahil nahihilo na ako at nakakaramdam ng labis na panghihina. Napakainit rin ng pakiramdam ko. Parang sasabog ang kalamnan at katawan ko. Mahapdi rin sa balat ang bawat pagdaiti ng tela ng damit na suot ko, kaya hinubad ko agad ito at walang pakialam na hinagis kahit saan. It helps a little para bumuti ang pakiramdam ko, pero sandali lang ito dahil muling naglagablab ang apoy at init na aking nararamdaman, kaya nagpabaling-baling ako sa kama kasabay ng impit na mga daing habang naninigas ang mga binti ko. Ang init—napakainit ng pakiramdam ko kahit hubo't hubad na akong nakahiga sa ibabaw ng kama. Gusto kong maibsan ang init na nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung paano, kaya desperada na ako dahil helpless ang kondisyon ko. Nakapikit kong dinakot ang aking mga dibdib. Masarap ito sa pakiramdam nang pisilin-pisilin ko at nilaro ko sa aking mga kamay, pero hindi ito sapat para maibsan ang init na aking nararamdaman. I need someone’s help, pero sino? Si Kuya Aliandre, nandito pa siya sa bahay. Siya lang ang tanging makakatulong sa akin ngayon, kaya pumikit ako at dinama ko ang aking kaselanan habang laman ng isipan ko ang guwapo niyang mukha pati na rin ang magandang hubog ng katawan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.7K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook