It was Saturday morning, naglalakad-lakad kami ni Ziel sa isang kilalang mall dito sa amin. Panay ang pili niya ng mga biniling gamit ng aming baby. It's too early to buy lalo na at hindi pa namin alam ang gender ng aming magiging supling. Pwede naman naming malaman ito through ultrasound kaya lang ayaw niya. Mas exciting daw kasi kapag hindi namin alam ang gender ng panganay namin. He insisted to buy more clothes and other things for the baby. Siya itong mapilit na mamili na ng gagamitin ng baby kahit ang tagal pa naman ng hihintayin namin bago lumabas ang bata. Parang hindi nga ako mukhang buntis. Parang nagkabilbil nga lang ako dahil hindi pa naman talaga umuumbok ang tummy ko. Sabi ng doktor normal daw iyon sa mga first time Mommy. Saka lamang daw mahahalata ang umbok ko sa tiyan ka