"Wait..." Pinigilan ni Jordan ang kamay niya nang mag-aabot sana siya ng bayad nila sa konduktor. "Bakit?" takang tanong niya sa nobyo. "Ako na," Jordan answered and winked at her. "May cash ka?" Napamulagat siya. This is un usual, kasi mula naging sila ay card pa rin ang ginagamit ni Jordan 'pag nagbabayad. "Of course, I prepared for this!" pagyayabang pa ni Jordan. Napakibit-balikat na lang siya. Pinagmasdan na lang niya ang nobyo na dumukot ng wallet sa pantalon. Lumuwa ang kanyang mga mata sa kapal ng pera nito. At puro pa tag isang libo. "I withdraw," pahayag ni Jordan nang mapansin sigurong napatitig siya sa pera. Pinamulahan siya ng pisngi. 'Di niya napansin na napagkit na pala ang tingin niya sa pera. Nag-iwas siya ng tingin. Kunwari'y abala na siya sa panunuod sa mga nadada