"Ahmm..." marahang kumilos si Jennie. Pinilit niya na iminulat ang mga matang namamaga. Pero parang ayaw makisama ang kanyang katawan. Niyakap niya ang unan ng mas mahigpit pa, pero gustuhin man sana niyang itulog ulit ay naunahan na naman siya ng pag-iyak. Tila sinasaksak ulit ng madaming patalim ang puso niya. "Jordan!" hikbi niya. Ito na naman siya humahagugol. Ang sakit-sakit kasi talaga ng kanyang nararamdaman. Ang hirap huminga, ang hirap na gumising pa. Sana mamatay na lang siya. Iniyak na naman niya na iniiyak. Pag-iyak lang ang karamay niya upang maibsan ang sakit sa puso niya. Dahil king hindi baka mamamatay nga talaga siya. Nang sa wakas ay nagawa rin naman niyang imulat ang mga mata. Ang kabuoan ng silid niya ang kanyang namulatan nang lumingap siya sa paligid. At isang