Paul Sanchez violenty closed the door of his expensive car. He was obviously pissed off. Ang mukha kasi niya ay lukot na lukot na halos magsalubong na ang kanyang mga kilay.
Kaya naman ang kanyang driver na si Wilson ay 'di na siya tinangkang batiin muna. Pasulyap-sulyap na lang driver sa boss nito. Nakikiramdam.
He also removed his uniform annoyingly then tinanggal din ang salamin sa mata at ginulo ang buhok. Ang baduy na hitsura ni Paul ay napalitan ora mismo ng original niyang kagwapuhan. Siya na baduy kanina ay naging si Jordan na na mukhang si Lee Min-hona. Sa isang kisapmata ay hindi na siya kakikitaan ng pagiging Paul. Tila ba ay magic siya na kaya niyang magbagong anyo oras na ginusto nito.
Pagkatapos ay parang pagod na pagod siya na isinandal ang likod sa malambot na upuan ng sasakyan. Ipinikit niya ang mga mata para mag-relax. This day for him is so tedious.
"Kumusta ang unang araw, Sir?" hindi mapigilan pa rin na tanong sa kanya ni Wilson kasabay ang pagpapaandar na nito ng sasakyan.
He didn't answer. Tinatamad siya gawa ng inis at pagod niya.
"Okay ba ang naisip mong pakulo, Sir?" tanong na naman ni Wilson.
"Ang hirap mag-disguise!" naisagot niya na wala sa oras. Hindi na maipinta ang kanyang mukha sa sobrang pagkakabusangot. Iiling-iling din siya.
Napangisi si Wilson na nagda-drive "Ikaw ang nagdesisyon niyan, Sir. Hindi mo naman kasi kailangang gawin ang ganyan, eh. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, eh."
"You know my reason," he answered lazily. Ang sinasabi ni Wilson ay 'yong pagpapasiya niyang ibahin ang pagkatao niya habang mag-aaral siya sa paaralan na ito. He doesn't want to show or let others know that he is Jordan Fernandez, the son of Mayor Fernandez. And he mean it.
Noong isang araw ay lhim niyang kinausap ang Dean ng Sanchi College at pumayag naman ito sa gusto niya. Kaya imbes na si Jordan ang pumasok kanina ay si Paul na ang pinalabas niyang siya.
"Pero Sir Jordan, ayaw mo ba 'yon? Na 'pag alam nilang anak ka ng isang Mayor ay kahit hindi ka na pumasok, eh, sigurado na gra-graduate ka? Tulad ng ibang anak ng pulitiko."
He shook his head. "That's what I don not want. I don't want people to think that I only graduated because of my father's influence." At bukal sa loob niya ang sinabi.
Puwede rin naman sana na sa ibang bansa siya mag-aral, but he didn't want also. Maybe it's odd but he only wants here in the Philippines. Mas gusto niyang makahalubilo ang mga tao rito dahil alam niya darating din ang araw na tatahakin niya ang kinaroroonang posisyon ng kanyang ama, ang pagiging politiko. Kaya nga ang kinuha niyang kurso ay Political Science. Para rin sa kanya ay hindi niya kailangang mag-aral State sapagkat malaki ang tiwala niya sa mga guro dito sa Pilipinas. Magagaling na rin ang mga prof dito like his late Mom, bigyan lang sila ng chance.
"Kung sabagay, Sir," tatango-tangong sambit ni Wilson. Idol talaga nito ang binatang amo. Kahit may ugali rin minsan, tulad ng kasupladuhan ay hanga naman ito sa pagiging maprinsipyo ni Sir Jordan nito. Na kahit ama nito ay isang Mayor ay mas gugustohin pa nitong maging normal na tao sa paningin ng ibang tao. Ito pa mismo ang kumukontra sa ama nitong politiko kapag may ginagawa itong kabaluktotan. Tama ang sinabi ni Misis Leal, ibang-iba si Jordan nito sa ibang anak ng mga politiko.
"Ang problema, Sir, baka may makakilala sa'yo. Kahit naman kasi magbaduy-baduyan ka, eh, lumilitaw pa rin ang kagwapohan mo," ani pa ni Wilson.
Naisuklay ni Jordan ang mga daliri sa buhok. "No one noticed. Ilag nga sila sa'kin lahat, they all laugh at me."
"Mabuti naman pala kung gano'n, Sir. Makakapag-concentrate ka nga sa pag-aaral 'pag nagpatuloy na walang makakakilala sa'yo." Tumango-tango si Wilson.
He smiled, but his smile fades quickly when he remembered someone. Naalala niya kasi 'yong babaeng makulit. ‘Yung akala mo friendly pero obvious naming nais lang siyang utakan kasi nga mukha siyang tanga.
Kanina ay aaminin niyang kinabahan talaga siya sa ginawang paghablot ng babaeng iyon sa kanyang salamin sa mata doon sa school canteen. Buti na lang ay medyo may pagka-engot yata ang babaeng 'yon dahil hindi siya nakilala agad.
Ngunit sa lahat, at ang totoo, ito rin ang nagustuhan niya. Dahil ito lang ang nagmagandang loob sa kanya sa kabila ng kanyang pangit na hitsura. Meaning, hindi tumitingin ang babaeng iyon ng panlabas na anyo ng isang tao. Pinahanga siya ng babaeng 'yon kahit paano, kahit pa may hidden agenda pa siya.
"Kaya lang ang kulit!" napalakas na bulong niya sa sarili. Kaya naman umabot sa pandinig iyon ng kanyang driver.
"S-sinong makulit, Sir?" takang tanong tuloy ni Wilson sa kanya. Nakatingin ito sa kanya sa rare view mirror ng sasakyan.
He looked at him. Wala naman masama kung sasabihin niya kay Wilson ang saloobin. Hindi lang kasi pagiging personal driver ang ginagampanan ni Wilson sa kanya, kundi kaibigan na rin niya ang mabait na kapwa binata. Isa pa'y ka-edad lang niya ito. Kaya tropa, barkada at buddy-buddy na rin niya ito.
"'Yung babaeng isa sa mga kaklase ko," he replied.
Makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni Wilson sa narinig. Iba agad kasi ang naisip nito, na kahit nagpapangit na nga ng hitsura ang amo nito ay may nagkakagusto pa rin dito. Iba na talaga ang malakas ang appeal.
•••
Kagat ni Jennie ang kanyang hintuturo habang takang-taka na nakatanaw siya sa dumaang mamahaling kotse. Nakita niya kasi na doon sumakay si Paul. At sa isip-isip niya ay mayaman pala si Paul. Hindi niya lubos inakala.
Pagkuwa'y unti-unti ang pagngisi niya. Hmmm!! New victim?! Pwede!
Kahit pala hindi natuloy ang paglipat sa school ni Jordan ay okay lang din pala. May Paul namang pumalit. Tama lang pala na kinulit niya ito kanina dahil mayaman pala ito.
Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. Operation change the plan! Si Paul na lang!......