Chapter 7

1827 Words
Si Tol Ang Lover Ko AiTenshi Chapter 7 Agad namin ni Lito tinungo ang daan papuntang ospital sakay ang kanyang sasakyan. Hindi ko maitago ang labis na pag aalala ko kay Arvin. Mag kaibigan lang naman kami pero kakaiba ang pakiramdam ko, parang ayokong may mga ganitong nangyayari lalo at sa kanya pa. Parang hindi ko kaya na ang isang espesyal na tao ay nanganganib mawala sa buhay ko. Halos kumakabog ng matindi ang aking dibdib dahil sa matinding pangamba. Ngayon lang ako nag alala ng ganito sa isang tao at hindi ko maunawaan kung bakit. Nacoconfused ako, nalilito na hindi ko lubos maunawaan. Habang nasa ganoong pag iisip ay nalingon sa akin si Lito “tol okay ka lang ba? Parang balika ka kasi?” Bumalik sa normal ang aking ulirat "Oo ayos lang ako, worry lang ako sa kaibigan ko." ang sagot ko naman. "Huwag kang  mag alala, ligtas naman iyon, dahil isipin mo kung patay na yon o nasa malubhang kalagayan ay siguradong ipag bibigay alam agad iyon ng nurse na tumawag kanina diba?” ang sabi nya habang nakarelax na nag ddrive. "Kung sabagay may punto ka doon dahil wala naman nabanggit ang nurse na ganun nga ang kalagayan nya." tugon ko. "May tiwala naman ako, salamat. Sana nga!” ang sabi ko sabay bitiw ng buntong hininga. Ilan minuto pa ay narating namin ang ospital. Dali dali akong nag tungo sa admission desk upang itanong kung nasaan ang pasyenteng nag ngangalang Arvin Santos. Doon ko nalaman na nakalipat na pala siya ng kwarto at ligtas na ito. Agad naman kaming nag tungo sa room na ibinigay ng nurse kasama ko pa rin si Lito. Natutuwa naman ako at hindi nya ako iniwan. Siguro batid niyang labis akong nag aalala kaya't minabuti niya ang manatili sa aking tabi Nung marating namin ang kwarto ay binuksan ko agad ang pinto. Nagulat ako dahil nandun pala ang mommy at daddy ni Arvin naka bantay na ito sa kanya, sa palagay ko ay kadarating lang din nila dahil naka office uniform pa ang mga ito at kapwa sila naka tingin sa akin. Parang ang strict nila pareho batay sa aking unang impresyon. Nahihiya man ako wala nang atrasan. "Magang araw po, mam, sir, kaibigan po ako ni Arvin, kumusta na po ang lagay nya?" ang tanong ko na may halong pag kahiya. "Halika hijo pasok ka, mabuti na siya, nag papasalamat kami at hindi siya napurohan ng todo, tanging pasa lamang at galos ang inabot nya. Malaking tulong parin ang pag lalagay ng helmet sa ulo. Kaya nga next time ay mas mabuti kung mag taxi nalang siya kung may pupuntahan dahil masyado siyang kaskaserong mag manehon ng motor." ang wika ng mommy niya samantalang ang kanyang ama ay nakatahimik lang at nag babasa ang pahayagan. Pumasok kami ni Lito sa kwarto at naupo kami duon kasama ang kanyang mga magulang. Nakita kong gising na pala si Arvin. Tahimik sa loob ng silid "Seph, nandito ka pala, ma, pa, sorry kung nag worry kayo sa akin." "Talagang nag worry kami sa iyo. At wala kang idea kung gaano kami nag kakadarapa ng papa mo sa pag aalala." ang tugon ng kanyang mga magulang. "Tumawag sakin ang nurse at sinabi nya na naaksidente ka daw kaya nag rush agad kami patungo dito, kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ko naman na may pag aalala sa mga mata. Ngumiti siya. "Maayos na ko tol, medjo masakit lang ang likod ko." Napansin ni Arvin si Lito at nakita kong parang umasim ang mukha nito. Agad naman nyang binawi ang tingin at binaling ito sa kisame. "Mga anak maiwan muna namin kayo dyan mag aayos lang kami ng bill” ang sabi ni daddy ni Arvin. Samantalang, bumulong naman si Lito sa akin na sasabay na daw siyang bumaba ng ospital dahil susunduin pa nya ang kapatid nya. Pumayag naman ako dahil naka abala ako sa kanya. "Salamat tol, ingat ka." ang sabi ko kay Lito habang naka ngiti. "Ayos lang, anytime basta ikaw. Text ka nalang pag mag papasundo ka." sagot ni Lito sabay gusot sa aking buhok. Nakita kong lalong umasim ang mukha ni Arvin nung marinig nya ang salitang "text ka nalang." "Arvz, may masakit ba sayo? Ano ba ang nangyari sayo ha? Akala ko makikipag kita ka sa Gf mo? Bakit nauwi sa ganito?" tanong ko na may halong pag aalala. "Sino ba yung kasama mo? Bakit may txt txt pa kayo?" ang bungad nya na naka kunot noo. Para naman akong sinupalpalan ng isang panyo sa bibig nung marinig ko ang sinabi nya. "Ahh si Lito yun, classmate ko, nag aapura kasi ako mag punta dito sa ospital nung malaman kong naaksidente ka kaya’t nag volunteer nalang siya na ihatid ako." "Akala boyfriend mo." ang wika niya. "Ano?!" tanong ko. "Akala ko boyfriend mo ang ibig kong sabihin ay kaibigang lalaki." tugon niya na parang nang aasar. "Nag aapura kasi ako para puntahan ka dito. Buti nalang at inihatid niya ako. Nasaan ba si Jen?" tanong ko. "Ganon ba tol? Nga pala hiwalay na kami ni Jen." ang malungkot niyang sagot. "Hala. We Bakit? Kagabi lang ay okay pa kayo diba? Paano nangyari iyon?" Hindi siya sumagot, nadukdok nalang ito ay saka umiyak. Ramdam ko ang mabigat na pinag dadaanan niya sa buhay pag ibig. Alam ko ito dahil galing rin ako dito ng maraming beses. Not once but 15 times! "Tol ayos ka lang ba? wag ka umiyak lalong makakasama iyan sayo." ang wika ko habang hinihimas ang kanyang likuran. "Okay lang umiyak, alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan, kahit naman madalas akong iniiwan at na h-heartbroken ay kaparehong sakit pa rin ang aking nararamdaman, sino ba nag sabi na masarap ang heart break. Masakit ito, at alam ko ng pag ang puso ang nasaktan dama ito ng buong katawan isama mo pa ang isip. Pero alam nyo ba na ang puso lang ang tanging parte sa katawan natin na gumagana kahit broken ito???” ang sabi ko sa sarili ko. Nahabag ako sa kalagayan ni Arvin. "Arvz? bakit kayo nag hiwalay?” "Pinag tapat nya sa akin na nag kikita pa sila ng ex boyfriend nya. At nalaman nalang nya na buntis na pala siya. Handa naman daw panagutan ng ex bf nya ang nangyari sa kanila. At wala siyang choice kundi makipag hiwalay sa aking para sa tatay ng batang magiging anak nya. Kung ganong ang sitwasyon ay wala akong magagawa dun. Sa sobrang sakit ay umalisnalang ako at sumakay sa aking motor, di ko namamalayan na nasa maling lane pala ako, nahagip ako ng isang taxi pero mabuti at naiiwas ko kaya hindi ako masyadong napuruhan." ang makungkot niyang paliwanag. "Talagang kaakibat na ng buhay ang sakit, paano ba ako makapag bibigay ng magandang advice sa iyo tungkol sa buhay pag ibig mo kung gayong pati ako ay lagi ring failed sa love life? May maniniwala ba sa payo ko? Bast ang masasabi ko lang sa iyo ang mundo ay isang malaking Quiapo Maraming snatcher Maagawan ka Lumaban ka!! Lumaban ka!" ang biro ko. "Mahirap! Pero what if the only man that you love is unfortunately married? "I'm not gonna give up  RAM without putting up a goddamn FIGHT! AHHHHHHH!!!!”  kala mo tol ikaw lang nanood nun? Ako rin kaya.. sa sine pa. Ang hot ng s*x scene nila dun, tatlong beses akong nag salsal doon. Tawanan kami.. "Loko ka talaga.. apir!!” ang sabi ko "Hah apir?? Kagatin nalang kita gusto mo? Hndi ko nga maitaas tong kamay ko oh." pag mamaktol nito. Tawanan ulit.. Naalala ko tuloy nung oras na naaksidente ako, inabot ni Arvin ang kamay nya para makipag kamay sa akin. Halos iyon din ang sinabi ko sa kanya dahil puro bundahe nag braso ko. Actually mukha kaming tanga ni Arvin matapos nya umiyak tawa naman siya ng tawa ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko at pina tutugtog ang isang kanta. Ito ay “Both sides now” at ang paborito kong version ang pina tugtog ko. Maganda kasi itong pang move forward at alam kong makakatulong ito kay Arvin para marelax siya. Samahan mo pa ng mala anghel na boses ni Hayley Westenra. HAYLEY WESTENRA Both Sides Now   Rows and flows of angel hair And ice cream castles in the air And feather canyons everywhere Looked at clouds that way But now they only block the sun They rain and snow on everyone So many things I would have done But clouds got in my way   I've looked at clouds from both sides now From up and down and still somehow It's cloud's illusions I recall I really don't know clouds at all   Parang napanatag ang loob ni Arvin at napansin kong nakatulog na pala ito. Kaya naman hinintay ko lang na bumalik ang mommy at daddy nya at nag pasya na rin akong umuwi. Wala kasing tao sa bahay. Bukas pa ang uwi ni mama at papa. Ilang minuto pa ay dumating na ang mga parents ni Arvin, at agad naman akong nag paalam sa kanila, nung una ay ayaw nila akong paalisin dahil gusto daw nila akong isabay sa hapunan. Pero tumanggi ako dahil nahihiya ako. Hindi na ako nag pa sundo kay Lito dahil gabi na rin halos, ayoko na siyang abalahin pa. Nag jeep nalang ako pauwi ng bahay. Kalahating oras din ako nag byahe alas 9 nang gabi ng marating ko ang bahay. Nakita kong naka bukas na ang mga ilaw nito. Kayat pumasok na ako. "Sila mama at papa."  ang sigaw ko, excited akong makita ulit sila. "Ma... pa...." ang pag tawag ko na parang isang bata sabay yakap sa kanila ng mahigpit."Hijo, kanina ka pa namin hinihintay gabing gabi kana umuwi, saan ka ba galing?" tanong ni mama. "Ahh, ma.. dinalaw ko lang po ang kaibigan ko sa ospital naaksidente kasi ito” ang sagot ko habang hinuhubad ang aking sapatos. "Kamusta po ang seminar sa probinsya?" tanong ko pa. "Mabuti naman anak, masaya doon, maraming mga activity na aming dinaluhan, nag enjoy kami ng mama mo. Hayaan mo sa susunod na seminar ay isasama kana namin.” ang sabi ni papa dahilan para matuwa ako at makaramdam ng excitement. "Nandito ang mga pasalubong namin sayo."dagdag pa ni mama sabay abot ng maraming paper bags. Mga mga t-shirts at mga keychain, mga display na galing sa ibat ibang lugar na pinuntahan nila. May mag pagkain din at ibat ibang delicacies. Hindi ako mag kamayaw sa pagtingin ng mga ito, nang makita kong tumatawag si Arvin sa aking cp. "Hello Arvz? Kamusta ang pakiramdamn mo? Dumating sila mama maraming dalang kakanin, dadalhan kita bukas." Pero tanging iyak lamang ang isinagot nya. "Bakit mo ko iniwan dito? Ayokong mag isa ako, nalulungkot ako, sana dito ka nalang natulog sa tabi ko." "Mag pahinga kana, at gagaling din iyang puso mo kasabay ng pag galing ng pilay mo sa katawan. Pag okay kana, back to normal na tayo ulit, mag libot ka dito ay mag pakasaya tayong dalawa." ang wika ko naman. Alam ko ang sakit na pinag dadaanan nya kayat labis na awa ang aking naramdaman nung marinig ko ang kanyang tinig, galing din ako sa emosyon na iyon at masasabi kong hindi ito madali. Nakakabuang ang pakiramdam ng labis sakit, lalo kapag sa puso nag mumula. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD