As the days goes on! "Ano na naman ang problema ng anak natin, my dearest? Ilang araw ko na siyang napapansing nagkukulong sa silid niya," ani Leonora sa asawa saka napatingin sa silid ni Hugo. "Wala akong alam o mas tamang sabihin kong hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, my dearest. Dahil kagaya mo ay napansin ko rin ang pagkukulong niya. Hindi pa nagtagal simula nang nagkaayos kayo ng half-brother mo ngunit mukhang may panibago na naman tayong problema," pahayag ni Aries Dale. Totoo naman kasing wala siyang maapuhap na salitang naaangkop upang isagot sa tanong ng asawa niya. Hindi na yata sila nawalan ng suliranin sa buhay. Kung kailan nagkakaedad na sila ay saka naman sunod-sunod ang pagdating ng problema sa kanilang mag-asawa. "Ano kaya kung puntahan natin siya, my dearest? Sin