"Tama ba ang nakikita ko? Hindi naman yata preso ang bunso natin ah." Kinusot-kusot pa ni Eric ang mga mata dahil sa nakikita. "Natakot ba si bunso na magsabing may relasyon sila ng bodyguard niya?" ani Hugo. "Ano ba ang naisip niya at mas ginusto ang nagtanan kaysa umamin sa atin?" tanong naman ni Miguel. Kung ilang minuto silang nakatanaw sa dalawang nilalang na masayang-masaya ay hindi na nila nalaman. Dahil sa nasaksihan ay bahagya nilang nakalimutan ang sadya nila sa lugar na iyon. Natauhan na lamang sila nang may nagsalita sa kanilang likuran. "¡Intruso! ¡Hay intrusos dentro del perímetro! ¡Aqui! ¡Aqui!(Intruder! There are intruders inside the perimeter! Over here! Over here!)" malakas na sigaw ng taong halatang bantay sa lugar na iyon. Sa pagsisigaw ng lalaki ay nabahala ang da