"Wait! Hindi ba't si Theodore iyon?" napataas ang boses ni Hugo dahil napansin ang sasakyan ng isa sa kambal niyang animo'y lumilipad dahil sa bilis nang pagpapatakbo. "Yeah, brother but what's the matter with him?" nasa manibela man subalit nagawa pa ring sumagot ni Miguel. "Tsk! Tsk! Paano natin malalaman kung hindi mo sundan? Sa tingin---" "Sundan mo, brother! Mukhang may problema ang loko eh. Ang bahay niya ang pinakamalapit sa hospital---" Kung pinutol ni Eric ang pananalita ni Hugo ay ganoon din ang ginawa nito sa kaniya. Hindi dahil ayaw niya itong kausap kundi nababahala siya sa paraan nito sa pagmamaneho. Halatang mayroong problema lalo at ilang araw din nila itong hindi nakausap ng maayos. Idagdag pa ang daang tinahak nito. "Drive safely, son. Sa tingin ko ay talagang sa pag