As the days goes on... "Kumusta naman daw ang anak natin sa North Carolina, my dearest?" tanong ni Aries Dale sa asawa pagkababa nito sa telepono. "Mukhang masaya naman siya, my dearest. Sa mata pa lamang niya ay hindi na maikukubling ang paninilbihan sa bayan ang makapaghihilom sa pagkawala ng asawa niya," pahayag ni Leonora. "Sa bagay na iyan ay wala na tayong magagawa pa. Ang mahalaga ay makalaya siya sa pait ng nakaraan. By the way, hindi niya tiningnan ang mga anak niya? Aba'y parang kailan lang ngunit ilang araw na lamang ay mag-isang taon na silang dalawa." Napatingin sa stroller si Aries Dale. Ang mga apo nilang maagang naulila at mas pinili pa ng ama nila na sa malayo magtrabaho para sa paghilom ng sugat sa puso. "Well, sa tingin ko ay unti-unti na siyang nakakausad, my deares