Nag-iwas na lang ako ng tingin nang pumasok sina Mama at Papa sa elevator. Nakarating kami sa 37th floor kung nasaan ang unit ni Andrew. Hindi nagsasalita sina Mama at Papa. Seryoso ang kanilang mukha at hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nila. Tumikhim ako nang malapit na kami sa pintuan. Binuksan ito ni Andrew dahil siya ang may dala ng susi. Suminghap ang mga magulang ko. Halos hindi na din ako humihinga nang sumunod ako kay Andrew. Nagkalat pa ang mga balloons sa sahig. Iyong cake at champagne ay naroon pa rin sa mattress. Pero ang tv ay patay na. Binuksan ni Andrew ang ilaw. Sinulyapan ko sina Mama at Papa at nakita ko na nakatitig sila sa mga nagkalat. "Ah, M-Ma... P-Pa." Hinilot ni Papa ang kaniyang noo. Umiling-iling. Si Mama naman ay dismayadong tumingin sa akin kay