Hindi talaga umalis ang mga kaibigan ni Andrew. Patuloy ang lalake sa pagtaboy sa kanila pero nakuha pa talaga nilang mag-order ng food at maiinom. Ayun, nag-foodtrip na lang kami. Mag-a-alas sais na ng panay ang parinig ng isa na gusto na niyang umuwi. Pero ang gusto nila ay sabay-sabay kaming aalis ng condo. Ayos lang naman na late akong umuwi ngayon dahil alam naman nina Mama na mag-a-apply ako ng trabaho maghapon. Pero medyo pagod na din ako at bukas babalik ulit kami sa hotel para sa aking application. May text na ang HR tungkol sa interview ko bukas. Excited din ako dahil mas maganda ang work kaysa sa mall dati. At bukod doon, mas malapit din ito sa negosyo at trabaho ni Andrew... sa condo din niya. Nakanguso si Andrew habang nag-da-drive. Ako naman ay nangingiti at tila baliw na d