Sumakay ako ng kaniyang kotse nang hindi siya tinitingnan o kinikibo. Wala ako sa mood dahil napuyat ako sa kaiisip. "Morning, baby..." Heto na naman siya. Nakahalukipkip ako at ang mga mata ay tinuon ko sa bintana. "Woke up at the wrong side of the bed?" Nanatiling walang emosyon ang aking mukha. "May period ka? Gusto mo ng chocolate?" "Mag-drive ka na nga lang. Huwag mo akong kinakausap!" "Ang sungit naman ng baby ko." "Manahimik ka!" Tumawa siya pero hindi na ulit nagsalita pa. Bumili siya ng special mamon at hot choco sa malaking bakery na nadaanan namin. "Mag-almusal na muna tayo. Sabi mo ayaw mo ng kumakain ng kanin kapag breakfast kaya ito na lang." Nauna na siyang kumain. Nang maubos namin nagmaneho na ulit siya. Sa isang restaurant na malapit sa mall ay humint