Isang linggo na naman pala ang lumipas. Hindi ko namamalayan ang paglipas ng mga araw. Dumoble pa ang ka-busy-han ko sa school at work kaya doble din ang pagod ko. Pero laking pasalamat ko kay Andrew dahil sa pagiging hands on niya sa aming anak. Siya din ang nag-aasikaso sa lahat, mula sa kakainin namin. Siya na din ang naglalaba ng mga maruming damit namin hanggang sa pagtitiklop at pag-aayos sa cabinet. Naka-automatic washing machine naman daw kaya okay lang daw na siya na ang gagawa nito. Nakakahiya na minsan, pero lagi niyang sinasabi na choice niya iyon. Hindi pa din siya pumapasok sa work niya. Kumikita naman ang firm at ibang negosyo nila, kaya ayos lang daw. Gusto daw niya kaming alagaan na mag-ina. Gusto daw niyang unti-unting mabawasan ang guilt na nararamdaman niya dahil sa p